Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Algoritmo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag ikalito saLogaritmo.

Samatematika at saagham pangkompyuter, ang isangalgoritmo[1] ay isang malinaw na pagdedetalye ng kung paano malulutasan ang isang uri ng problema. Ang mga algoritmo ay maaaring magsagawa ng kalkulasyon, pagproseso ng datos, at mga awtomatikong pangangatwiran na gawain.

Bilang isang epektibong paraan, ang isang algoritmo ay maaring ipakita gamit ang limitadong espasyo at oras[2] at sa pamamagitan ng isang wikang malinaw at pormal[3] para sa pagkalkula ng isangpunsyon. Simula sa isang paunang estado at paunang pampasok (marahil ay walang laman), ang mga tagubilin ay naglalarawan ng isang pagtutuos na, kapag ipinatupad, nagpapatuloy sa isang limitadong bilang ng malinaw na magkakasunod na estado, sa huli’y gumagawa ng isang "kinalabasan" at nagtatapos sa isang huling estado. Ang paglipat mula sa isang estado papunta sa susunod ay hindi kinakailangang tiyak; ang ilang mga algoritmo, na kilala bilang algoritmo di tiyak o walang-piling algoritmo, inilalakip ang walang-piling pampasok.

Ang konsepto ng algoritmo ay umiral na ng maraming siglo at ang paggamit ng konseptong ito ay maaaring nanggaling sa mga matematikong Griyego, halimbawa ang salaan niEratostenes at algoritmo niEuclid; ang terminong algoritmo mismo ay nagmula sa ika-siyam na siglong matematikong siMuhammad ibn Mūsā al-Khwārizmī, na lumikha sa terminong ito na kung isinalin sa latin ay 'Algoritmi'. Ang isang bahagyang pormalisasyon ng kung ano ang magiging modernong pagkaunawa ng algoritmo ngayon ay nagsimula sa mga pagtatangka upang malutas angEntscheidungsproblem (ang "problema sa pagpapasya") na iminungkahi niDavid Hilbert noong taong 1928. Ang mga kasunod na pormalidad ay nabalangkas bilang mga pagtatangka upang tukuyin ang "epektibong pagkalkula" o "epektibong paraan"; ang mga pormalisasyong ito ay kabilang sa rekursibong punsyon naGödel–Herbrand–Kleene ng 1930, 1934 at 1935,kalkulong lambda ni Alonzo Church ng 1936, Formulation 1 ni Emil Post ng 1936, atmakinang Turing niAlan Turing ng 1936-7 at 1939.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nakuha ng salitang 'algoritmo' ang kanyang pinanggalingan sa pagsasalin saLatin ng pangalan ni Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi sa unang hakbang saalgorismus. Si Al-Khwarizmī ay isangPersyanong matematiko, astronomo, heograpo, at iskolar sa Tahanan ng Karunungan o saBaghdad, na ang pangalan ay nangangahulugang 'ang katutubong ng Khwarezm', isang rehiyon na naging bahagi ng KalakhangIran at ngayon ay nasaUzbekistan.

Noong taong 825, isinulat ni al-Khwarizmi ang isang disertasyon sawikang Arabe tungkol sa sistemangpamilang na Hindu-Arabiko, na isinalin sa Latin noong ika-12 siglo sa ilalim ng pamagat naAlgoritmi de numero Indorum. Ang pamagat na ito ay nangangahulugang "Algoritmi sa mgabilang ng mga Indiyano", kung saan ang "Algoritmi" ay ang latinisasyon ng tagasalin ng pangalan ni Al-Khwarizmi. Sa dulongGitnang Panahon na Latin,algorismus, ang alterasyon ng kanyang pangalan, ay nangangahulugang "sistema ng numerong desimal". Sa ika-15 siglo, sa ilalim ng impluwensya ngsalitang Griyego para saaritmetika na ang ibig sabihin ay 'bilang', ang salitang Latin na ito ay ginawangalgorithmus, at ang katumbas na termino nito sa Ingles naalgorithm ay unang ibinunyag noong ika-17 siglo; ang modernong kahulugan ay ipinakilala noong ika-19 na siglo.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L.algorithm (al' ge ri dhim) n. -- algoritmo (Sp.); paraan o sunod-sunod na hakbang sa pagtutuos - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. (Sa Ingles) "Any classical mathematical algorithm, for example, can be described in a finite number of English words" (Rogers 1987:2).
  3. (Sa Ingles)Well defined with respect to the agent that executes the algorithm: "There is a computing agent, usually human, which can react to the instructions and carry out the computations" (Rogers 1987:2).
International
National
Other

MatematikaAng lathalaing ito na tungkol saMatematika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Algoritmo&oldid=2084360"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp