AngAlemanya (Aleman:Deutschland), opisyal naRepublikang Pederal ng Alemanya, ay bansang matatagpuan saGitnang Europa. Pinapaligiran ito ngDinamarka,Dagat Hilaga, atDagat Baltiko sa hilaga;Pransiya,Luksemburgo,Belhika, atNederlandiya sa kanluran;Austria atSuwisa sa timog; atPolonya atTsekya sa silangan. Nagbabahagi rin ito ng hangganang maritimo saSuwesya. Sumasaklaw ang bansa ng 375,600 km2 at tinatahanan ng higit 82 milyong mamamayan, sa gayo'y ikalawang pinakamataong bansa sa kontinente. Ang kabisera at pinakamataong lungsod nito ayBerlin.
Pagkatapos ngEstados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[1]
Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ayGermania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.
Dahil sa lokasyong heograpikal nito sa gitna ngEuropa at bagong pagkakaisa nito, kilala ang Alemanya sa iba't ibang pangalan na nag-iiba batay sa wika ng, na inspirasyon ng mga taong bumuo nito. Halimbawa, sawikang Aleman ay kilala ang bansa naDeutschland mula sa Old High German diutisc, sa Pranses bilang Allemagne mula sa pangalan ng tribong Alamanni, sa Italyano bilang Germania mula sa Latin Germania (bagaman ang mga Aleman ay tinatawag na tedeschi) , sa Polish bilang Niemcy mula sa Proto-Slavic nemets, at sa Finnish bilang Saksa mula sa pangalan ng tribong Saxon.
Nagmumula ang pangalangDeutschland sa salitang Matandang Alemang Mataas nadiutisc, o mga katulad na variant mula sa Proto-Germanic *Þeudiskaz (Old English þeod), na orihinal na nangangahulugang "ng bayan" at unang ginamit bilang pagtatalaga ng mga mamamayang Aleman. Ito naman ay nagmula sa salitang Germanic na nangangahulugang "folk" (na humahantong sa Old High German diot, Middle High German diet), at ginamit upang makilala ang mga nagsasalita ng mga Germanic na wika at ang mga nagsasalita ng Celtic o Romance na mga wika. Ang mga salitang ito ay nagmula sa *teuta, ang salitang Proto-Indo-European para sa "mga tao".
Nadiskubre sa Alemanya ang mga buto ng pre-humanongDanuvius guggenmosi na nasa Alemanya 11 milyong taon sa nakaraan. at pinaniniwalaang ang isa sa mga pinakamaagang nakalakad gamit ang dalawa nitong paa. Natuklasan sa munting bayan ng Mauer ang posil ngHomo heidelbergensis, na nagpapakitang tinahanan ng mga sinaunang tao ang lupaing Aleman di-bababa sa 600,000 taon ang nakalipas. Natagpuan naman sa Lambak ng Neander ang mga labi ng arkaikongNeandertal, espesye ng taong mahigit 400,000 nang lumisan.
Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lámang ang kaalaman sa dáting Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban saImperyo ng Roma.
Nang ika-9 siglo ay kumalat angKristyanismo sa bansa. Dito din pinanganak siMartin Luther, isang monghe na naghimagsik sa batas ngSimbahan at nagsimula ng bagong relihiyon na angProtestanismo. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.
Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikát naKaharian ng Prusya at sa pamumuno niOtto von Bismarck at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban saDinamarka atAustria. Sa mga hulíng taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban saPranses.
Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.
Ang Alemanya ay isangkulturang indibidwalistiko na isang uri ng ngkultura na ang pagpapahalaga ay nasa isangindibidwal o sarili kesa sa isanggrupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya,autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Aleman ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Alemanya ay isang uri ngmay mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Aleman ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.
Ang Alemanya ay isangpederasyon at binubuo ng labing-anim na estadong sangay sangay na sama-samang tinutukoy bilangLänder.[3] Ang bawat estado (Land) ay may sarili nitong konstitusyon,[4] at may malaking antas ng awtonomiya pagdating sa panloob nitong organisasyon.[3] Magmula noong 2017[update], ang Alemanya ay hinati sa 401mga distrito (Kreise) sa antas munisipal; binubuo ito ng 294rural na distrito at 107urbanong distrito.[5]