AngAlaska[2] ay isang estado ngEstados Unidos ng Amerika. Ang Alaska ay nasa dulong bahagi ng hilagang kanluran bahagi ngHilagang Amerika. Ito ang pinakahilagang estado ng Estados Unidos. Ito ang pinakamalaking estado ng Estados Unidos sa batayan ng sukat. Ito rin ay isa sa pinakamayamang estado.
Ito ay binili mula sa Russia noongAbril 16,1867, ang Alaska ay ang ika-49 na estado ng Amerika noongEnero 3,1959. Ang pangalang "Alaska" ay hinango sa salitang Aleut Alaskax, o binabaybay dingAlyeska, na nangangahulugang "Ang Lupang iyan ay hindi pulo".
Ang Alaska ay isa sa dalawang estado ng Estados Unidos na hindi kahangganan ng isa pang estado nito, ang isa naman ay angHawaii. Ito ay naghahanggan saYukon atBritish Columbia, ng bansang Canada sa silangan, angGolpo ng Alaska at ng KaragatangPasipiko sa timog, at ngDagat Chukchi atAsya o bansangRussia sa kanluran.