Angalamat ng paglikha,mito ng paglikha, okuwento ng paglikha ay isang masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang mundo at kung paanong ang tao ay unang dumating upang manirahan sa daigdig.[1][2] Umunlad sila sa mgatradisyong pasambit, kung kaya't pangkaraniwang may maramihang mga bersiyon;[2] at sila ang pinaka pangkaraniwang anyo ngmito, na natatagpuan sa lahat ngkultura ng tao.[3][4] Sa isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay pangkaraniwang itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mgakatotohanan, patalinghaga o metaporikal, masagisag at kung minsan ay pati na sa diwangmakasaysayan oliteral.[3][5] Ang mga ito ay pangkaraniwang, bagaman hindi palagi, isinaalang-alang bilang mgamitongkosmohonikal, iyong naglalarawan ng pagsasaayos o pag-aayos ngkosmos mula sa isang kalagayan ngkaguluhan o walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri, katangian o karakter.[6]
Kadalasang mayroong isang bilang ng mga tampok ang mga mito ng paglikha. Kadalasan silang itinuturing na mgabanal na paglalahad at maaaring matagpuan sa halos lahat ng nalalaman o nakikilalang mgatradisyong panrelihiyon (kaugaliang pampananampalataya).[7] Lahat ng mga ito ay mga kuwentong may isangbanghay obalangkas ng kuwento na maaaring mgadiyus-diyusan, mga pigurang kawangis ng tao, o mga hayop, na kadalasang madali o maginhawang nakapagsasalita at nakapagbabago ng anyo.[8] Kadalasan silang may tagpuan na nasa isang malamlam at hindi tiyakang panahon sa nakaraan, isang bagay na tinawag ng manunulat ng kasaysayan ng relihiyon na siMircea Eliade bilangin illo tempore (pariralang Italyano na may kahulugang "noong panahong yaon").[7][9] Gayundin, ang lahat ng mga mito ng paglikha ay nagwiwika sa mga katanungang may malalalim na mga kahulugan na pinanghahawakan ng lipunang kinababahagian ng mga ito, paglalantad ng kanilang pangunahin o panggitnangpananaw sa mundo at ang balangkas para sa katauhan ng sarili ng kalinangan at indibiduwal na nasa diwang pandaigdigan.[10]
Ang paglikhang ex nihilo (Latin para sa "mula sa wala") na kilala rin bilang "paglikhang de novo" ay isang karaniwang uri ng paglikhang mitikal. Ang paglikhang ex nihilo ay inilalarawan ring nangyayari mula sa mganilalabas sa katawan ng manlilikha. Sa maraming mga mito ng paglikha, ang linya ay hindi malinaw kung ang akto ng paglikha ay mas mabuting uriing ex nihilo o paglikha mula sakaguluhan. Sa ex nihilo, ang potensiyal at sustansiya ng paglikha ay sumisibol mula sa loob ng isang manlilikha. Ang gayong manlilikha ay maaari o hindi umiiral sa mga kapaligirang pisikal gaya ng kadiliman o katubigan ngunit hindi lumilikha ng mundo mula sa mga ito. Sa paglikha mula sakaguluhan, ang sustansiyang ginagamit para sa paglikha ay isang umiiral na bago ang paglikha sa loob ng isang hindi pa nabubuong mundo. Kabilang sa mga ito angdebate sa pagitan ng tupa at butil mula sa sinaunangSumer,silindrong Barton,mga mitong paglikha ng Sinaunang Ehipto,paglikha ayon sa Genesis (sa Hudaismo at Kristiyanismo), paglikhang mito ayon saIslam,Kabezya-Mpungu, mgamitong Māori,Mbombo,Ngai,Popol Vuh atRangi and Papa Sa karamihan ng mga kuwentong angmundo ay nilikha sa pamamagitan ngsalita, hininga, o purong pag-iisip ng manlilikha.
Sa paglikha mula sakaguluhan, sa simula ay walang anumang bagay ngunit isang walang anyo at walang hugis na kalawakan. Sa mga mitolohiyang ito, ang kaguluhan na minsang tinatawag ring kawalan o isang kalalilam ay naglalaman ng materyal na paglilikhaan ng mundo. Ang kaguluhan ay mailalarawan na may konsistensiya ng isang singaw o tubig, walang dimensiyon, at minsan ay maalat o maputik. Ang mga mitong ito ay nag-uugnay ng kaguluhan sa kasamaan at limot bilang salungat sa kaauyasan (cosmos) na mabuti. Ang akto ng paglikha sa mga mitong ito ay pagdadala ng kaayusan mula sa kaguluhan at sa maraming mga kultura, pinaniniwalaang sa isang punto, ang mga pwersa ng pag-iingat ng kaayusan at anyo ay hihina at ang mundo ay muling lalamunin ng kalaliman. Kabilang sa mga mitong ito angCheonjiwang Bonpuli ng Korea,Enûma Eliš ngBabilonia,mitong kosmogonikal ng mitolohiyang Griyego,Jamshid,Kumulipo,mito ng paglikhang Mandé,Pangu,uwak sa paglikha,mito ng paglikhang Serer,mito ng paglikhang Sumerian,mito ng paglikhang Tungusic,Unkulunkulu,Väinämöinen, atViracocha.
May dalawang mga uri ng mga mitong mundong magulang na parehong naglalarawan ng isang paghihiwalay ng isang primebal na entidad na mundong magulang o mga magulang. Ang isang anyo ay naglalarawan ng isang estadong primebal bilang isang walang hanggang pagsasama ng dalawang mga magulang. Ang paglikha ay nangyayari kapag ang dalawang ito ay pinaghihiwalay. Ang dalawang mga magulang ay karaniwang tinutukoy na Kalangitan na karaniwang lalake at Mundo na karaniwang babae. Sa estadong primebal, ang dalawang ito ay mahigpit na magkatali sa bawat is na walang supling ang aahon. Ang mga mitong ito ay naglalarawan ng paglikha bilang resulta ng isang pagsasamang seksuwal at nagsisilbing rekord na henealohikal ng mgadiyos na ipinanganak mula dito. Sa ikalawang anyo ng mitong mundong magulang, ang mismong paglikha ay sumisibol mula sa mga pinagputol putol na mga bahagi ng katawan ng entidad na primebal. Kadalasan sa mga kuwentong ito, ang mga biyas, buhok, dugo, mga buto o organo nito ay binago sa langit, mundo, mga buhay na hayop o halaman at iba pa. Ang mga mitong ito ay nagbibigay diin sa mga malikhang pwersa bilang animistiko sa kalikasan sa halip na seksuwal. Ang sagrado ay inilalarawan na elemental at integral na bahagi ng natural na mundo.
Sa mga mitong pag-ahon, ang sangkatauhan ay umaahon mula sa isa pang mundo tungo sa isa na kanilang tinatahanan. Ang nakaraang mundo ay kadalasang itinuturing na sinapupunan ng mundong ina at ang proseso ng paglikha ay inihahalintulad sa akto ng panganganak. Ang papel ng komadrona ay kadalasang ginagampanan ng isang babaeng diyosa tulad ng babaeng gagamba samitolohiyang Katutubong Amerikano. Kabilang sa mga ito angmito ng paglikhang Hopi,mito ng paglikhang Maya,Diné Bahaneʼ,mito ng paglikhang Zuni.
Sa mga mitong tagasisid ng mundo, ang isang supremang entidad ay karaniwang nagpapadala ng isang hayop sa mga primal na katubigan upang humanap ng mga buhangin o putik upang pagtayuan ng matatahanang lupain. Ito ay pinapakahulugan ng ilang mga skolar na sikolohikal samantalang ang iba ay pinapakahulugan itong kosmogonikal. Sa parehong mga kaso, binibigyang diin ang mga pagsisimulang nagmumula sa mga kalaliman. Kabilang sa uring ito ng mito ng paglikha angmito ng paglikhang Ainu,mito ng paglikhang Cherokee,Väinämöinen atmito ng paglikhang Yoruba.
Mito ng paglikhang Fon,mito ng paglikhang Kaang,mitong Kintu,Mbombo,Ngai,Unkulunkulu (Zulu),Coatlicue (Aztec),Popol Vuh (Quiché Mayan),mito ng paglikhang Anishinaabe,mito ng paglikhang Choctaw,mito ng paglikhang Creek,mito ng paglikhang Hopi,Kuterastan (Plains Apache),Alamat nina Trentren Vilu at Caicai Vilu (Chilean),Viracocha (Incan),mito ng paglikhang Mongolian,Au Co (Vietnamese),mito ng paglikhang Tsino,mito ng paglikhang Dangun,Nüwa,Pangu,Samseonghyeol,paglikhang Hiranyagarbha (India),ajativada (India),Mimamsa eternalism (India), teoriyangsamkhya-yoga (India), teoriyang atomikongnyaya-vaisheshika (India), teoriyanglokayat-charvaka (India),sasvatvada (India), teoriyangbudismo (India),Jainism at kawalang kreasyonismo (India), katutubongmito ng paglikhang Hindu,mito ng paglikhang Pelasgian,Väinämöinen (Finnish),Völuspá (Norse),Mashya and Mashyana (Persian),Kumulipo (Hawaiian),Rangi and Papa (Māori),Sureq Galigo (Buginese),Atra-Hasis