AngAklan ay isanglalawigan ngPilipinas na matatagpuan saRehiyon ngKanlurang Visayas.Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ngPanay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa mga lalawigan ngAntique sa kanluran atCapiz sa timog-silangan. Matatagpuan sa hilaga nito angDagat Sibuyan at ang lalawigan ngRomblon.
Kahit na laganap na angKristiyanismo, ang mga Aklanon paniniwala sa mgaaswang at sa mgababaylan ay laganap pa rin sa mga tao. Kinakatakutan pa rin angkulam ng maraming tao dito.
Kilala ang lalawigan sa taunangPistang Ati-Atihan sa Kalibo, na kadalasang ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pagdiriwang ay isang pista para kaySanto Niño o angBatang Hesus, at sinasabi ring nagpapaalala sa pagdating ng mgaKastila, at ang pagdating din ng relihiyongKatoliko.
Kilala ang mga Aklanon sa kanilang panitikan, na kinabibilangan ng epiko ngKalantiao. Sa kasalukuyan, may mga Aklanon tulad niMelchor F. Cichon na nagsusubok na lalo pang paunlarin ang panitikan ng lalawigan.