Angad hominem (Latin na ang ibig sabihin ay "sa tao"), ay pinaikling anyo ngargumentumad hominem ("pangatwiran laban sa tao"). Tumutukoy ito sa uri ngargumento kung saan ang tagapagsalita ay inaatake angpagkatao, motibo, o ibang katangian ng taong naglalabas ng argumento, imbes na talakayin ang nilalaman mismo ng argumento. Ito ay lumilihis sa tunay na debate sa pamamagitan ng pagtuon sa mga bagay na wala namang kinalaman, pero madalas ay sensitibo o nakakainsulto sa kalaban.
Ang pinakakaraniwang halimbawa ng maling pangangatwirang ito ay kapag si "A" ay nagbigay ng pahayag o katotohanan, tapos si "B" ay aatakehin ang personal na katangian ni "A"—halimbawa, ugali, pisikal na anyo, o iba pang bagay na wala namang kaugnayan sa usapan. Sa ganitong paraan, nililihis ni "B" ang usapan kaya't kukuwestiyonin niya ang tama o mali ng sinabi ni "A" batay lamang sa personal na isyu—hindi dahil sa mismong ipinaglalaban sa argumento.
Ibig sabihin, imbes na talakayin ang mismong paksa, pinupunto ang pagkatao na siyang nagiging sanhi ng pag-iwas sa tunay na usapan.
Ang isang umaatake na manlalaro ng putbol ay tumitira sa bola, hindi sagoalkeeper. Ang 'tirahin ang bola, hindi ang tao' ay isang karaniwang metapora laban sa mgaad hominem na argumento.
SiAristotle (384–322 BC) ay kinikilala sa pagtaguyod ng pagkakaiba sa pagitan ng personal at lohikal na pagmamatuwid o argumento.[1]
Ang iba’t ibang uri ngad hominem ay matagal nang kilala sa Kanluran, simula pa noong panahon ng mgasinaunang Griyego. Ipinaliwanag niAristotle sa kanyang akda naSophistical Refutations na mali ang atakihin ang nagtatanong kaysa sa mismong argumento. Para sa kanya, dapat bigyang-pansin ang tunay na problema sa argumento at hindi ang personal na katangian ng tao. May mga halimbawa rin ngad hominem na hindi mapanira, ayon sa pilosopong si Sextus Empiricus, kung saan ginagamit ang ideya o paniniwala mismo ng kalaban upang ipakita na mali ang kanilang argumento—hindi ang katauhan nila ang inaatake. Ang ganitong uri ng argumento ay tinatawag ding “argument from commitment.”
Tinalakay ninaGalileo Galilei atJohn Locke ang tinatawag na “argument from commitment,” isang uri ngad hominem na nagsusuri kung tugma ang argumento sa mga paniniwala o prinsipyo ng taong nagsasalita. Sa kalagitnaan ng ika-labing siyam na siglo, lumaganap ang moderno at mas malawak na kahulugan ngad hominem, ayon sa Ingles nalohisyano na siRichard Whately: Ito ay mga argumentong nakatuon sa mga personal na katangian, opinyon, o nagdaang asal ng isang indibidwal.[2]
Sa paglipas ng panahon, nag-iba ang kahulugan ngad hominem. Pagsapit ng ika-20 siglo, tumukoy na ito sa isang maling paraan ng pagtatalo kung saan, imbes na sagutin ang argumento, ang personal na katauhan ng kalaban ang ina-atake. Sinalungat ito ng pilosopong siCharles Leonard Hamblin, na nagsabing hindi laging mali ang gumamit ng ad hominem kung hindi naman ito pangunahing batayan ng argumento. Ngayon, angad hominem ay tinutukoy bilang direktang pag-atake sa pagkatao ng isang tao upang pabulaanan ang kaniyang argumento.[3]