Angsining na abstrakto oabstraktong sining ay isangsining na moderno na hindi kumakatawan ng mgaimahe ng pang-araw-araw na buhay. Mayroon itong mgakulay, mgaguhit, at mgahugis ohubog, subalit hindi nilalayon na kumatawan ang mga ito ng mgabagay o mgaorganismo (mga bagay na may buhay). Ang mga ito ay mga larawan na walang tiyak na anyo. Sa kadalasan, ang mga artista ng sining ay naimpluwensiyahan ng mga ideya at mga pilosopiya.[1] Ang mga sining na abstrakto ay natatagpuan sa mgalarawang ipininta at saeskultura. Marami ring mga akda ng sining na bahaging abstrakto, at bahaging pangrepresentasyon (representasyunal o kumakatawan). At maraming mga alagad ng sining na gumagawa ng abstrakto at iba pang mga uri ng modernong sining. Ang purong sining na abstrakto ay isang imbensiyon noong ika-20 daantaon. Lumaki at umunlad ito magmula sa mas maaga pang mga uri ng modernong sining, subalit marahil ito ay isang kilusan o pagkilos na talagang moderno o makabago. Wala itong pinag-ugatan mula sa mas maagang sining (ayon sa paggamit ng kataga sa kasalukuyan), na maaaring ilang mgasining na prehistoriko (sining sa bato) lamang ang maaaring maibilang. Maaaring maging kandidato sa pinag-ugatan nito ang mga pampalamuting mgatisa naIslamiko na nasamoske ng maagang mga kapanahunan.
Ang sining na abstrakto ay gumagamit ngwikang pampaningin o wikang biswal ng hubog o hugis, kulay, at guhit upang makalikha ng isang kumposisyon na maaaring umiral na may isang antas ng kalayaan mula sa mga sanggunian o pantukoy na pampaningin ng mundo.[2] Angsining na kanluranin, magmula saRenasimiyento hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na daantaon, ay naging naiipit ng lohika ngpananaw o perspektibo at ng isang pagtatangka na muling makalikha ng isang ilusyon (pangitain o malikmata) ng natatanaw na katotohanan. Ang mga sining ng mga kultura na bukod pa sa mga Europeo ay naging napupuntahan o nakukuha at nagpakita ng pamalit na mga paraan ng paglalarawan ng karanasang biswal o pampaningin sa alagad ng sining. Sa pagwawakas ng ika-19 na daantaon, maraming mga artista ng sining ang nakadama ng isang pangangailangan na makalikha ng isang bagong uri ng sining na yayakap sa mga pagbabagong saligan o pundamental na nagaganap sa mga larangan ng teknolohiya, agham at pilosopiya. Ang mga pinanggagalingan na pinagbabatayan ng mga artista ng sining hinggil sa kanilang mga argumentong teoretikal ay sari-sari, at nagpapasalamin ng mga preokupasyon o pagkaabala sa loob ng lahat ng mga pook ng kalinangan ng Kanluran noong kapanahunang iyon.[3]
Ang sining na abstrakto, sining na hindi piguratibo (sining na walang pigura o walang hubog o walang hugist), sining na hindi obhektibo (sining na walang layon), at sining na hindi kumakatawan (sining hindi representasyunal) ay mga katagang may maluwag na pagkakaugnayan. Magkakahalintulad ang mga ito, subalit marahil ay hindi magkakatulad ang mga kahulugan.
Angabstraksiyon ay nagpapahiwatig ng isang paglayo o paglisan magmula sa katotohanan ngimaheriya (paglalarawan o pagbabanghay ng larawan) sa sining. Ang ganitong paglayo magmula sa tiyak na representasyon o pagkakatawan ay maaaring bahagya lamang, o maaaring kabahagi lamang, o maaaring buo. Umiiral ang abstraksiyon sa piling ng isangcontinuum o pagpapatuloy. Kahit na ang sining na naglalayon ngberi similitud na may pinakamataas na antas ay maaaring masabi na isang abstrakto, na sa kaliit-liitang diwa ay pangteoriya lamang, dahil sa ang perpektong representasyon ay maaaring maging napaka mailap. Ang akdang-sining na gumagamit ng mga kalayaan, na nagpapalit halimbawa na ng kulay at hubog sa pamamagitan ng mga paraang litaw, ay maaaring masabing bahagi lamang ang pagkaabstrakto. Ang ganap na abstraksiyon ay walang bakas ng anumang pagtukoy sa anumang bagay na makikilala. Saabstraksiyong heometriko, halimbawa na, ang isang tao ay hindi maaaring makakita ng mga pagtukoy sa mga entidad na makakalikasan o likas. Angsining na piguratibo at abstraksiyong buo ay halos mgapangyayaring kapwa nakabukod at walang halo (eksklusibo).
Angabstraksiyong heometriko at angabstraksiyong lirikal ay kapwa madalas na nagiging abstraktong buo. Kabilang sa napakaraming mgakilusang pangsining na kumakatawan sa abstraksiyong pambahagi lamang (hindi buo), bilang halimbawa, ay angfauvismo kung saan ang kulay ay lantaran at sinasadyang palitan, na may kaugnayan sa katotohanan, at angkubismo na garapalang bumabago sa mga anyo o mga hubog ng inilalarawang mga entidad na nasa tunay na buhay.[4][5]