Abenida Taft Taft Avenue | |
---|---|
![]() Abenida Taft sa Pasay. | |
Impormasyon sa ruta | |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() ![]() |
Dulo sa timog | Daang Redentorista saBaclaran,Parañaque |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila,Pasay,Parañaque |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
AngAbenida Taft (English:Taft Avenue) ay isang pangunahing daan at lansangan sa Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa tatlong pangunahing lungsod ng punong rehiyon:Maynila,Pasay, atParañaque. Galing ang pangalan nito mula sa dating gobernador-heneral ng Pilipinas atpangulo ng Estados Unidos na siWilliam Howard Taft. Ang Pilipinas ay datingteritoryo komonwelt ng Estados Unidos sa unang kalahating bahagi ng ika-dalawampu dantaon.
Isang bahagi ngDaang Radyal Blg. 2 (R-2) ngsistemang pamilang ng mga daan ng Kamaynilaan ang Abenida Taft. Bahagi rin ito ngN170 ngsistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan sa ibabaw ng abenida angUnang Linya ng LRT-1.
Ang pagpapatayo sa abenida, na tinawag noongCalle Rizal, ay natapos noong 1899. Ang hilagang dulo nito ay sa Calle Bagumbayan (Abenida Padre Burgos ngayon), at ang katimugang dulo nito ay saCalle Herrán. Ang mga inhinyero na sina Manny Aquino at Robin Santos ang nanguna sa pagpapahaba ng abenida noong 1911, at pinangalanan na itongManila Road (oCalle Manila). Subalit ayon sa isang mapa ng Maynila na inilathala ng Office of Department Engineer, Philippine Department noong 1915, ang abenida ay nakapangalangTaft Avenue[1] Pinahaba ito patungongCalle Vito Cruz noong 1940, sa tugatog ngIkalawang Digmaang Pandaigdig at sapanahon ng pagokupa ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinahaba pa ito patungongCalle Buendia noong 1959, at pinangalanan na itongErmita–Pasay Boulevard oHighway 50. Pinahaba pa ito patungongKalye P. Lovina o Ekstensyon ng Highway 54; ang bahaging ito ay tinawag naMexico Road. Noong 1984, pinagsama ang Ermita–Pasay Boulevard at Mexico Road at binigyan ng bagong pangalangWilliam Howard Taft Avenue. Sa parehong taon din ibinuksan sa publiko angLinyang LRT-1, ang kauna-unahang nakaangat na mga daang-bakal sa Pilipinas.
Nagsisimula ang Abenida Taft mula saAbenida Elpidio Quirino saBaclaran,Parañaque. Dadaan naman ang abenida pahilaga-silangan sa EDSA (Abenida Epifanio de los Santos) sa Pasay, at pagkatapos ay pahilaga saAbenida Arnaiz (datingCalle Libertad/Pasay Road) atAbenida Gil Puyat (datingCalle Buendia) sa parehong lungsod, atKalye Pablo Ocampo (Vito Cruz),Abenida Quirino (Harrison Boulevard), Kalye San Andres,Kalye Pedro Gil (Calle Herrán),Kalye Padre Faura (Calle Observatorio),Abenida ng United Nations (Calle Isaac Peral),Abenida Kalaw (Calle San Luis), at Kalye Pananalapi (o Finance Drive) sa Maynila. Ang abenida ay magigingAbenida Padre Burgos pagkaraan ng Kalye Pananalapi sa harap ngGusaling Panlungsod ng Maynila, at maghihiwalay ito sa tatlong tulay at kalaunan, mga kalye:Bulebar Quezon,Abenida Rizal, at Kalye Quintin Paredes.
Mapapasukan ang Abenida Taft sa pamamagitan ng mgadyipni attaksi, at ng mga sistemang riles na panlulan naLRT-1 atMRT-3. Ang abenida ay kinalalagyan ng ilan sa mga estasyon ng LRT-1, ang mga ito ayEDSA (palitan saEstasyong Taft Avenue ng MRT-3),Libertad,Gil Puyat,Vito Cruz,Quirino,Pedro Gil, atUnited Nations.
Isa sa mga dalawang pasukan ngLiwasang Rizal ay nasa Abenida Taft (ang isa pa ay nasaBulebar Roxas), na malapit din saPambansang Museo ng Sining atPambansang Museo ng Antropolohiya. Ang abenida ay kinaroroonan din ng (o malapit sa) mga gusaling pampamahalaan, tulad ngKataas-taasang Hukuman ng Pilipinas,Hukuman ng Apelasyon ng Pilipinas,Kagawaran ng Turismo,Kawanihan ng Paghahalaman,Ospital Heneral ng Pilipinas, atPambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat. Ang tanggapan ngPandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan sa Rehiyon ng Kanlurang Pasipiko ay matatagpuan sa Abenida Taft kasunod ngEstasyong United Nations ng LRT. Sa Abenida Taft din matatagpuan angPambansang Katedral ng Banal na Sanggol (Holy Infant Jesus) ngIglesia Filipina Independiente.
Bilang bahagi ngSinturon ng mga unibersidad (University Belt), may mga institusyong edukasyon sa kahabaan ng abenida. Kabilang sa mga ito ayPamantasang De La Salle Maynila,Unibersidad ng Pilipinas Maynila,Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas,Pamantasang Pambabae ng Pilipinas, atPamantasang Normal ng Pilipinas. Direktang nakaharap din sa abenida angDe La Salle–College of Saint Benilde,Dalubhasaan ng Santa Isabel,Kolehiyong Emilio Aguinaldo,Mataas na Paaralan ng Araullo, atMataas na Paaralang Pang-Agham ng Maynila.
14°33′51″N120°59′39″E / 14.56417°N 120.99417°E /14.56417; 120.99417