Abenida Kongresyonal Congressional Avenue | |
---|---|
Daang Palibot Blg. 5 | |
![]() Abenida Kongresyonal malapit saEDSA. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 6.0 km (3.7 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() ![]() |
| |
Dulo sa silangan | Abenida Luzon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
AngAbenida Kongresyonal (Ingles:Congressional Avenue) ay isang 12.4 kilometro (7.7 milyang)lansangan na matatagpuan saLungsod Quezon,Pilipinas, na sumasaklaw sa anim na mga linya. Isa ito sa mga daang sekundarya saKalakhang Maynila at itinakdang bahagi ngDaang Palibot Blg. 5 (C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan atN129 ng sistema ng pambansang lansangan ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan.
Nagsisimula ang Abenida Kongresyonal sa sangandaan nito sa EDSA bilang hilagang karugtong ngAbenida Roosevelt, at dadaan ito sa ilan sa mgaProject Areas ng lungsod, sa Abenida Tandang Sora, at tatapos sa Abenida Luzon sa pook ng Matandang Balara (Old Balara).
Bilang isang lansangan ng Lungsod Quezon, ang Abenida Kongresyonal ay isa sa mga umuusbong na mga destinasyon pang-pagkain sa lungsod dahil sa kadahilanan na karamihan sa mga establisimiyentong pang-pagkain tulad ng mgafoodpark ay nagtatayo ng mga tindahan lalo na sa bahaging karigtong ng abenida.
Sumusunod ang Abenida Kongresyonal sa rutang pa-titik L mula EDSA hanggang Abenida Luzon. Ang pangunahing bahagi sa kanluran ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa madaming mga sangandaan nito, kung saan ang mga pangunahing sangandaan ay pinapatupad ng mga ilaw-trapiko habang ang mga ibang sangandaan ay gumagamit ng walang ilaw-trapiko na bagtasan o mgaimprovised nau-turn slot. Ang bahaging karugtong (Karugtong ng Abenida Kongresyonal) sa silangan ng sangandaan nito sa Abenida Visayas ay kilala sa kalahating kontrol ng pagpasok, kung saan ang mga sangandaang nasa lupa ay pinalitan ng mgaU-turn slot.
Noong unang bahagi ng dekada-2000, inilarawan ang abenida na magdudugtong sa Abenida Luzon upang mapunan ang pagkokompleto ngDaang Palibot Blg. 5 na kasama ang pagpapalawak ng mga Abenidang Katipunan at Luzon gayunfin ang pagtatayo ng C.P. Garcia-Luzon Flyover na naglalayong ilihis ang C-5 gayundin ang trapiko mula sa makitid na Abenida Tandang Sora pagpunta sa mgaProject Area gayundin sa Abenida Mindanao patungo sa magiging NLEX Mindanao Avenue Link ngNLEX.
14°39′22″N121°3′22″E / 14.65611°N 121.05611°E /14.65611; 121.05611