Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isangalyansa na binubuo ng mga bansangPilipinas,Malaysia atTaylandiya na itinatag noong taóng 1960, at angMaphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ngPilipinas,Indonesya atMalaysia.
Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos naDeklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas –Adam Malik ng Indonesya,Narciso Ramos ng Pilipinas,Tun Abdul Razak ng Malaysia,S. Rajaratnam ng Singapore, atThanat Khoman ng Taylandiya – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.
Naging bahagi ng Asean angBrunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunei ay ang unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib angBiyetnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansangLaos atMyanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat angKambodya sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Kambodya at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.
Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):
Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.
Noong 23 Hulyo 2006, SiJosé Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ngSilangang Timor, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.
Mga likas na kasapi ng Asean Mga tagamasid sa Asean Mga kandidatong-kasapi ng Asean Asean Dagdag Tatlo Pagtitipon ng Silangang Asya Porong Panrehiyon ng Asean
Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalangPagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.
2 Nagpunong-abala ng pagtitipon nang lumiban ang Myanmar.
3 Ang pagtitipon ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay nalipat mula 12–17 Disyembre 2008 dahil sakrisis pampolitika ng Taylandiya noong 2008. Ang ikalawang bahagi ay napigil noong Abril 11 dahil sa pagpasok ng mga demonstrador sa lugar ng pagdaraos ng pagtitipon.
4 Nagmungkahi ang bansangIndonesya sa bansangBrunei ng palitan na magpupunong-abala sila sa APEC (at malamang ang pagpupulong ng G20) sa 2013.
Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:
↑ASEAN Charter(PDF). Association of Southeast Asian Nations. p. 29. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2015-11-09. Nakuha noong2016-03-25.Article 34. The working language of ASEAN shall be English.
↑"Ang Saligang Batas ng ASEAN"(PDF). Association of Southeast Asian Nations. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 10 Enero 2018. Nakuha noong10 Enero 2018.