Sa panahong ito saTsina, naitatag angdinastiyang Song. Nakaranas ang mundongMuslim ng isang pangkalinangang taluktok, lalo na saal-Andalus sa ilalim ng Kalipato ng Córdoba at sa [[Imperyong Samanid] sa ilalim ngIsmail Samani. Karagdagan dito, nagkaroon ng ng pangkalinangang pagyabong ngImperyong Bisantino ang ng Unang Imperyong Bulagaryo.
Sinabi ng medibiyalista at dalubhasa sa kasaysayan ng teknolohiya na si Lynn White na "sa makabagong mata, ito ang halos na pinakamadilim sa Panahong Madilim," ngunit nagkaroon ng konklusyon na ". . . kung naging madilim ito, nasa sinapupunan ang kadiliman."[1] Sa kaparehong opinyon, sinulat ni Helen Waddell na ang ikasampung siglo ay na kung saan "nasa pagtatalo ng aklat-aralin kasama angikapito sa masamang karangalan, ang pinakamababang lugar ng talino ng tao."[2] Noongika-15 dantaon, isinalarawan ni Lorenzo Valla ang ika-11 siglo bilang angDantaon ng Tingga at Bakal at sa kalaunan, sinabi ni Kardinal Baronius]] ito bilang angTininggang Siglo oBakal na Siglo.
Pagbagsak ng gitnang kapatagan ngkabihasnang Maya. Nagsimula ang posklasikong Maya. Naging isang pang-rehiyon na kabisera ang Chichen Itza sa Tangway ng Yucatán.
Noong907, pumutok angbulkang Sumbing, sang-ayon sa inskripsyon sa Rukam.
Noong907, nilikha ni HaringBalitung ang iinskripsyong Mantyasih na naglalaman ng tala ng mga haringMedang, at nilipat niya ang kabisera mula Mamrati tungong Poh Pitu, at pinalawak ang templo ng Prambanan.
Noong919, nangyari ang unang paggamit ngpulbura sa labanan, angLabanan ng Langshan Jiang sa Tsina, kung saan tinalo ng armadang pandagat ngWuyue sa ilalim niQian Yuanguan ang armadangWu. Ginamit ni Qian ang mga sandatang bumubuga ng apoy (flamethrower) na sumiklab sa pamamagitan ng pulbura na minimitsa ang armadang Wu.
Noong990, nagbunsad ang HaringDharmawangsa ng kaharian ng Medang ng pandagat na pagsalakay saPalembang sa isang hindi matagumpay na pagsakop sa Srivijaya. (hanggang 1006)
Noong990, SiAirlangga, anak nina Haring Udayana at Reyna Mahendradatta ay ipinanganak sa Bali.
Nanarihan ang mga pangkat ngViking sa HilagangPransya
907: Pininsala ng mga Loire Viking angBretanya; umalis ang korteng Breton saInglatera ni Edward ang matanda.
Naging mga Norman ang mga Norse
Winasak ng Unggarong hukbo ang Bavariyanong puwersa sa ilalim ni Liutpold at haring Louis ang Bata sa Labanan ng Pressburg. Nalipol lahat ang puwersang Aleman.
911: Ginawad sa Viking na siRollo ang Kondehan ng Rouen ng Pransya: ang opisyal na pundasyon ngNormandiya.
Pagkakatatag ng Cluny, unang nakapederasyong monastikong orden
Pinatatag ni Emperador Simeon ang Dakila ang Unang Imperyong Bulgaro bilang isa sa pinakamalakas na estado sa Europa
Noong917 (20 Agosto 917), winasak ng mga Bulgaro ang hukbong Bisantino sa Labanan ng Anchialus, isa sa mga madugong labanan sa Gitnang Panahon
927: opisyal na pagkilala ng unang malayang pambansang Simbahan ng Europa, ang Bulgarong Patriyarkado
t. 936: Si Gorm ang Matanda ay ang unang nakilalang hari ngDinmarka, at sa gayon naitatag ang Monarkiyang Danes.
936: Sinimulan ni Alan II, na may suporta mula Æthelstan, ang muling pagsakop ngBretanya.
955: Nakita ng Labanan ng Lechfeld (10 Agosto 955) ang tiyak na tagumpay para kay Otto I ang Dakila, Hari ng mga Aleman, mula sa Ungarong harka Bulcsú at ang mga pinuno ng Lél (Lehel) at Súr.
968: Ang Labanan ng Silistra sa pagitan ng mga Ruso at Bulgaro
Paglusob ng kawaleryang Magyar (Ungaro) sa buong Kanlurang Europa (47 ekspedisyon saAlemanya,Italya atPransya,899–970)
Si Mieszko I, unang duke ngPolonya, ay biniyagan bilang isang Kristiyano noong966
Pagbagsak ng Dakilang Moravia
985-986: Nagsimula ang mga Norse na si Erik ang Pula ng kolonisasyon ngGreenland.
Naging pinag-isang kaharian ang medyebal na estadong Croatia sa ilalim ni Haring Tomislav
Lumawak ang impluwensyang Suweko hanggangDagat Itim
Bininyagan si Volodymyr I, Prinsipe ng Kievan Rus', bilang isang Kristiyano noong988
Nalipol na ang mga leon sa Europa at sa petsang ito, namatay ang huling espesye saCaucasus.
Ikalawang bahagi ng ika-10 siglo – Nagawa mula sa Paris Psalter ang pahina kasama si David ang Salmista. Nasa pangangalaga na ito ng Bibliothéque Nationale,Paris.
Huling ika-10 o maagang ika-11 siglo – nagawa ang ikonong Arkanghell Michail. Nasa pangangalaga na ito ng Tesorerya ng Katedral ng San Marcos,Benisiya
Mga 1000: Ang pagkakatatag ng Silangang Panirahan at Kanlurang Panirahan saGreenland.