Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-7 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa667)
Nakaturo ang "700" dito. Para bilang, tingnan ang700 (bilang).
Milenyo:ika-1 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada  600dekada 610dekada 620dekada 630dekada 640
dekada 650dekada 660dekada 670dekada 680dekada 690
AngSilangang Emisperyo noong simula ng ika-7 dantaon.
AngSilangang Emisperyo noong dulo ng ika-7 dantaon.

Angika-7 dantaon ay isang panahong mula601 hanggang700 sang-ayon sakalendaryong Huliyano saKaraniwang Panahon. Angpopulasyon ng mundo ay lumiit sa mga 208 milyong katao.[1]

Sa panahong ito, ang pagkalat ngIslam at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia niPropeta Muhammad simula noong622. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong632, lumawak ang Islam lagpas ngTangway ng Arabia sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632–661) at Kalipatong Umayyad (661–750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ngPersya noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon angSyria,Palestina,Armenia,Ehipto, atHilagang Aprika.

Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan angImperyong Bisantino noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.

SaTangway ng Iberia, ang ika-7 siglo ay angSiglo de Concilios, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.

Sa Tsina, pinalitan angdinastiyang Sui ngdinastiyang Tang, na gumawa ng mga base militar mulaKorea hanggangGitnang Asia at sumunod sa mgaUmayyad sa kalaunan. Naabot ngTsina ang rurok nito. Kumampi angSilla sa dinastiyang Tang, na napasuko angBaekje at tinalo angGoguryeo upang mapag-isa angTangway ng Korea sa ilalim ng iisang pinuno.

Nanatili angpanahong Asuka saHapon sa buong ikapitong siglo.

Ipinag-isa ngHarsha ang HilagangIndya, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ngImperyong Gupta noong ika-6 na dantaon.

Mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]
SiPapa Gregoryo I na dinidikta angawiting Gregoryano.

Mga imbensyon, tuklas, at pagpapakilala

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Pinakamaagang kilalang rekord o tla ng larong Chaturanga, ang hinalinhan ngAhedres.
  • Ipinakilala ng matematikong Indiyano na siBrahmagupta ang unang halimbawa ng may hangganang interpolasyong pagkakaiba.
  • 636: Itinayo ang Pagoda ng Xumi sa Zhengding, Tsina.
  • 650: Unang nailabas angsalaping papel sa Tsina.[2]
  • Dekada 650: Pagkatapos maglayag saEtiyopiya, ipinakilala diumano ni Sa'd ibn Abi Waqqas angIslam saTsina, at itinatatag ang unangmoskeng Islamiko ng Tsina saGuangzhou.[3]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. The good and bad of a population drop (sa Ingles)
  2. Roberts, J:History of the World.. Penguin, 1994. (sa Ingles)
  3. Kamouch, Mohammed (2006)."Jewels of the Muslim Chinese Heritage".Muslim Heritage (sa wikang Ingles). Nakuha noong4 Disyembre 2021.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-7_dantaon&oldid=2139064"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp