Sa panahong ito, ang pagkalat ngIslam at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia niPropeta Muhammad simula noong622. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong632, lumawak ang Islam lagpas ngTangway ng Arabia sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632–661) at Kalipatong Umayyad (661–750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ngPersya noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon angSyria,Palestina,Armenia,Ehipto, atHilagang Aprika.
Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan angImperyong Bisantino noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.
SaTangway ng Iberia, ang ika-7 siglo ay angSiglo de Concilios, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.
Ipinag-isa ngHarsha ang HilagangIndya, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ngImperyong Gupta noong ika-6 na dantaon.