Angika-6 na daantaon BC ay nagsimula ng unang araw ng 600 BC at nagtapos sa huling araw ng 501 BC.
Mapa ng mundo noong 500 BCE
Nilikha ni Pāṇini saIndia ang isangbalarila para saSanskrit sa siglong ito o mas kaunti pa sa kalaunan nito.[1] Ito ang nanatiling ang pinakamatandang kilalang balarila ng anumangwika. SaMalapit na Silangan, ang unang kalahati ng siglong ito ay pinanaigan ngImperyong Neo-Babilonyano o Imperyong Kaldeo na umakyat sa kapangyarihan noong huli bahagi ng siglo matapos na matagumpay na makapaghimagsik laban sa pamumuno ng Imperyong Asiryo. Gayunpaman, ang pamumunong Babilonya ay napabagsak at pinalitan noong mga 539 BC niDakilang Ciro na nagtatag ngImperyong Akemenida (Imperyong Persa). Ang Imperyong Persa ay patuloy na lumawak at lumago sa pinamalaking imperyo ng mundo sa panahong ito. Sa Europang Panahong Bakal, ang paglawak na Seltiko ay nagpapatuloy. AngTsina ay nasa Panahong Tagsibol at Taglagas.
590 BC: Dinambong ng mga Ehipsyong hukbo ang Napata, na napilit ang korteng Kush na lumpiat sa isa mas ligtas na lokasyon sa Meroe malapit sa ikaanim na Cataract.[2]