Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Unang dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa37 AD)
Milenyo:ika-1 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:0dekada 10dekada 20dekada 30dekada 40
dekada 50dekada 60dekada 70dekada 80dekada 90
Aprika, Asya, Europa at Oseanya noong50 AD , sa kalagitnaan ng unang siglo
Aprika, Asya, Europa at Oseanya mppmh100 AD, sa dulo ng unang siglo

Angunang dantaon ay isangsiglo na tumagal mula1 AD hanggang100 AD sang-ayon sakalendaryong Huliyano. Kadalasan itong sinusulat bilangunang dantaonAD[1] ounang dantaon CE upang ipagkaiba saUnang dantaon BC (o BCE) na sinundan nito. Tinuturing ang unang dantaon bilang bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.

Sa panahong ito, bumagsak angEuropa,Hilagang Aprika at ang Malapit na Silangan sa ilalim ng tumataas na pangingibabaw ngImperyong Romano, na patuloy na lumalawak, pinakakapansin-pansin ang pagsakop saBritanya sa ilalim ni emperadorClaudio (43 AD). Pinatatag ang imperyo ng repormang ipinakilala niAugusto noong kanyang mahabang paghahari pagkatapos ng kaguluhan ng nakaraang siglo dulot ng mga digmaang sibil. Kalaunan ng siglo, natapos angdinastiyang Julio-Claudio, na itinatag ng Augusto, noong pagpapakamatay niNero noong 68 AD. Sinundan ito ng tanyag na Taon ng Apat na mga Emperador, isang maikling panahon ng digmaang sibil at kawalang-tatag, na natapos na rin sa wakas niVespasiano, ika-9 na Romanong emperador, at ang tagapagtatag ng dinastiyang Flavia. Pangkalahatang nakaranas ang Imperyong Romano ng isang panahon ng kaunlaran at pangingibabaw sa panahong ito at naalala ang unang siglo bilang bahagi ng Ginintuang panahon ng Imperyo.

Nakita ng unang siglo ang paglitaw ngKristiyanismo. Noong mga 29 AD (tradisyunal na petsa), sinimulan niJesus ang kanyang ministeryo at ipinako siya sa krus noong 33 AD (tradisyunal na petsa) na minarkahan ang unang pagsisimula ng Kristiyanismo.[2][3][4][5][6][7][8] Noong mga 33 AD hanggang 36 AD, angApostol Pablo ay naging Kristiyano at naging isa sa mga mahahalagang tao sa Kristiyanismo.[9][10][11]

SaTsina, nagpatuloy ang pangingibabaw ngDinastiyang Han, sa kabila ng labing-apat na taong paggagambala ngdinastiyang Xin sa ilalim niWang Mang. Muling naibalik ang pamumunong Han noong 23 AD: kinakatawan ng pamumuno ni Wang Mang ang tubig-saluran sa pagitan ng Kanluran/Dating Han at ang Silangan/Kalaunang Han. Nailipat din ang kabisera mulaChang'an tungongLuoyang.

Mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Augusto
Caligula
Claudio
Vespasiano
Plutarko

Panitikan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Science and philosophy

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Sa paglabag sa pangkalahatang patakaran na ang pinaiklingAD ay dapatbago ang petsa na sinasabi.
  2. J. Dwight Pentecost,The Words and Works of Jesus Christ: A Study of the Life of Christ (Zondervan, 1981) pages 577-578 (sa Ingles).
  3. Andreas J. Köstenberger, John (Baker Academic, 2004), pahina 110 (sa Ingles).
  4. Eerdmans Dictionary of the Bible 2000 Amsterdam University PressISBN90-5356-503-5 pahina 249 (sa Ingles)
  5. Paul L. Maier "The Date of the Nativity and Chronology of Jesus" in Jerry Vardaman and Edwin M. Yamauchi,Chronos, kairos, Christos: nativity and chronological studies (1989)ISBN0-931464-50-1, pp. 113-129 (sa Ingles)
  6. The Riddles of the Fourth Gospel: An Introduction to John by Paul N. Anderson 2011ISBN0-8006-0427-X pahina 200 (sa Ingles)
  7. Herod the Great by Jerry Knoblet 2005ISBN0-7618-3087-1 pahina 183-184 (sa Ingles)
  8. Jesus in Johannine tradition by Robert Tomson Fortna, Tom Thatcher 2001ISBN978-0-664-22219-2 pahina 77 (sa Ingles)
  9. Bromiley, Geoffrey William (1979).International Standard Bible Encyclopedia: A-D (International Standard Bible Encyclopedia (W.B.Eerdmans)) (sa wikang Ingles). Wm. B. Eerdmans Publishing Company. p. 689.ISBN 0-8028-3781-6.
  10. Barnett, Paul (2002).Jesus, the Rise of Early Christianity: A History of New Testament Times (sa wikang Ingles). InterVarsity Press. p. 21.ISBN 0-8308-2699-8.
  11. L. Niswonger, Richard (1993).New Testament History (sa wikang Ingles). Zondervan Publishing Company. p. 200.ISBN 0-310-31201-9.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Unang_dantaon&oldid=2139068"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp