Angika-4 na dantaon BC ay nagsimula noong unang araw ng400 BC at nagtapos noong huling araw ng301 BC. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Minarkahan ng siglong ito ang rurok ng KlasikongkabihasnangGriyego sa lahat ng aspeto. Sa pagdating ng 400 BC, kumalat ng malayo at malawak ang Griyegongpilosopiya,sining,panitikan atarkitektura, na may maraming malayang kolonyang Griyego na umusbong sa mga lupain ng silangangMediteranyo.
Masasabing ang pinakamahalagang serye ng mga pangyayaring pampulitika sa panahong ito ay ang mga pananakop niAlejandro, na nagdulot sa pagguho ng dating mahirap talunin naImperyong Persa at kumalat ang kulturang Griyego sa malayong silangan. Pinangarap ni Alejandro ang pag-iisa ng silangan at kanluran, subalit natapos ang kanyang maikling buhay noong in 323 BC, sumubsob ang kanyang napakalakingimperyo sa digmaang sibil habang ang kanyang mga heneral ay kanya-kanyang nagtayo ng kanilang sariling mga kaharian. Sa gayon, nagsimula ang panahong Hellenistiko, isang panahon na kinikilala sa pamamagitan ng isang ganap pagtingin sa pamumuno, kasama ang pagkuha ng mga Griyegong hari sa mga patibong sa paggiging pinuno at pagtatayo ng mga haliling namamana. Habang umiiral pa rin ang isang antas ngdemokrasya sa ilan sa natitirang mga lungsod ngGresya, maraming iskolar ang nakikita ang panahon na ito bilang pagmamarka sa pagtatapos sa klasikong Gresya.
SaIndya, naitatag angImperyong Maurya noong 322 BC ni Chandragupta Maurya na mabilis na pinalawak ang kanyang kapangyarihan tungong kanluran sa ibayo ng gitna at kanlurangIndya, na kinuha ang pakinabang ng pagkagambala ng kapangyarihang lokal, sa kalagayan ng pag-atras ng mga hukbo ni Alejandro.
Pumasok angTsina sa ika-4 na dantaon BC sa isang panahon ng patuloy na pakikidigma na kilala bilang ang panahon ng mga Nakikipagdigmang Estado. Nakita sa panahon ang mabilis ng pagbangon ng malaking mga estado (tulad ng Chu) kaysa sa mas maliit na mga estado dahil sa pagsulong ng teknolohiya. Bagaman karaniwang kinikilala ang panahon ng mga dalubhasa sakasaysayan bilang ang labis na pagiging marahas kumpara noong panahon ng Tagsibol at Taglagas, kapansin-pansin din ang ilang paglago nito sa kalinangan at panlipunan sa pamamagitan ng paglawak sa ilang mga sekta ngConfucianismo atTaoismo, at pagbabalangkas ng kaisipang legalismo.
Isang balyesta Tsino ngDinastiyang Han mula noong ika-2 dantaon BC.
Pinakalumang sulating Brāhmī ay napetsahan sa panahong ito. Ninuno ang Brāhmī ng mga mga sulating Brahimiko, na ginagamit saIndya atTimog-silangang Asya.
Itinayo ng mgaRomano ang kanilang unang akuwedukto.
Gumagamit ng mga Tsino sa unang pagkakataon ang balyestang hinahawakan ang kasahan.
Ang unang balyesta, anggastraphetes, ay inimbento saSyracuse. (bago-421 BC)
Sinunog na bloke o 'pinaapuyang bloke' ay unang ginamit sa mga KabihasnangMediteranyo.[1]
Gilingang pinapaandar ngasno o Gilingang Pompeiiyano ay unang ginamit saGresya atItalya.[2]
Sa Gresya, iminungkahi niAristotle ang dibisyon ng kilalang mgaagham.