Angika-4 na dantaon (batay sakalendaryong Huliyano atAnno Domini/Karaniwang Panahon) ay ang panahon na tumagal mula301 hanggang400. Sa Kanluran, ang unang bahagi ng dantaon ay hinubog niDakilang Constantino, na naging unang emperador Romano na ipinagtibay angKristiyanismo. Nakuha ang iisang paghahari sa imperyo, nakilala siya sa muling pagtatag ng iisang kabiserang imperyal, na pinili ang lugar ng sinaunangBisantino noong 330 (sa kabila ng mga kasalukuyang mga kabisera, na epektibong pinalitan ng mga reporma niDiocleciano saMilan sa Kanluran, at ni Nicomedia sa Silangan) upang itayo ang lungsod na tinawag agad bilang Nova Roma (Bagong Roma); napalitan ito sa kalaunan bilangConstantinopla sa kanyang karangalan.
SaTsina, nagsimula ang dinastiyang Jin, na pinag-isa ang mga bansa bago ang 280, na mabilis na hinarap ang mga kaguluhan noong simula ng siglo dahil sa panloob na pampolitikang awayan, na nagdulot sa duhapang pag-aalsa ng hilagang barbarong angkan (na sinumulan ang panahon ngLabing-anim na Kaharian), na mabilis na nagapi ang imperyo, na pinuwersa ang korte ng Jin na umatras at nanatili sa timog na lagpas sa ilogYangtze, na sinimulan ang tinatawag na Silangang Dinastiyang Jin noong 317.
Sang-ayon sa mga arkeologo, inuugnay ng sapat na pang-arkeolohiyang ebidensya ang mga lipunan na nasa antas ngestado ang nagsanib sa ika-4 na siglo upang ipakita ang pagkakaroon sa Korea ngTatlong Kaharian (300/400–668 AD) ngBaekje,Goguryeo, atSilla.
Maaring tinutukoy ng mga dalubhasa sa kasaysayan ngImperyong Romano ang "Mahabang Ikaapat na Dantaon" sa isang panahon na tumatagal sa mismong ikaapat na siglo, ngunit nagsimula ng maaga mula sa pag-akyat ni emperadorDiocleciano noong284 at nagtapos noong pagkamatay niHonorius noong423 o niTheodosius II noong450.[1]