Ang2 Pallas (binibigkas na/ˈpæləs/) ay isangasteroyd na matatagpuan saSinturon ng asteroyd sa pagitan ng mga ligiran ngMarte atHupiter, at ang pangalawang asteroyd na natuklasan matapos angCeres. Ito ay unang natuklasan noong 28 Marso 1802 ni Heinrich Wilhelm Olbers saBremen, at inihayag ito bilang bagong planeta.[1] Kalaunan ay inuri ito bilang isang planetang unano matapos ang pagtuklas sa iba pang mga asteroyd noong 1845, at noong dekada 1950s ay muli itong inuri bilang isang asteroyd matapos ang realisasyon na hindi magkapareho ang pagkabuo ng mga asteroyd sa mga planeta.[2]
Ang Pallas ay may diametro na513±3 km. Ito ang ikatlong pinakamalaking asteroyd sa Sinturon ng asteroyd kasunod ngVesta.[3][4] Ito ay maymaliwanag na kalakhan na sumasaklaw mula 6.49 hanggang 10.65, na siyang dahilan kung bakit masyado itong madilim kapag titignan gamit ang mata lamang.