AngIkalawang sulat sa mga taga-Corinto o2 Corinto ay isang aklat saBagong Tipan ngBibliya, na sinasabing isinulat niApostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Corinto. Sinundan ito ngUnang Sulat sa mga taga-Corinto. Pinaniniwalaang tatlo ang liham na isinulat para sa mga Corintio subalit dadalawa lamang ang nakaabot sa pangkasalakuyang panahon.[1]
Isinulat at ipinadala ni San Pablo angIkalawang Sulat sa mga taga-Corinto noong mga anim na buwan (may nagsasabing pagkaraan ng isang taon[2] pagkalipas na maisulat ang unang liham. Ipinadala niya ang pangalawang liham sa pamamagitan niTito magbuhat saMacedonia.[1]
Sinasabing mahirap sundan at wariin ang nilalaman ngIkalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto sapagkat isa itong tugon sa mga pananalita at mga damdamin ng ibang mga tao, mga bahaging hindi matutunghayan sa sulat na ito. Samakatuwid, may kakulangan upang maunawaan ng husto. Gayunman, napanatili sa liham na ito ang pagbibigay liwanag sa naging buhay ni San Pablo noong mga kapanahunang iyon, bilang isang tao at bilang isang tagapangaral ng Kristiyanismo.[2]
Nasulat ang ikalawang sulat ni Pablo para sugpuin ang mga paninirang ginagawa ng mgaHudyo, at para na rin maipagtanggol ang kaniyang misyong pampananampalataya.[1] Nakatuon ito sa sariling kaugnayan ni San Pablo sasimbahan o parokyang nasaCorinto, saGresya. Lalong lumala ang kalagayan ng mga Kristiyanong Corintio kaya't nilarawang ikinaluha at ikinagalit ito ni San Pablo. Nagpadala ng isang liham (ang isa pang sulat na hindi nakarating sa kasalukuyang panahon; hindi angIkalawang Sulat sa mga taga-Corinto) na nagsilbing isang sermon at babala: pinagsasabihan niya ang mga taga-Corinto.[2]
Pagkaraang maipadala at maibatid sa mga taga-Corinto ang nilalaman ng sulat ni San Pablo (hindi angIkalawang Sulat sa mga taga-Corinto), nagdala si Tito ng balitang nagsasaad na nagbagong-loob ang mga mamamayan ng Corinto. Lubhang ikinagalak ito ni San Pablo, gumaan ang kaniyang kalooban, at nagpapasalamat sa mga taga-Corinto. Kaya't naisulat niya angIkalawang Sulat sa mga taga-Corinto na kabahagi ngayon ng Bibliya, na nagpapaliwanag ng mga naging kilos ni Pablo at para rin magbalita ng hinggil sa kaniyang mga gawain habang malayo sa Corinto.[2]
Isang sinaunang sipi ng2 Corinto 11:33-12:9 mula saPapiro 46 (oPapyrus 46).
Naririto ang nilalaman ng ginawang pakikipag-unayan ni Pablo sa Iglesya sa Corinto:
Dinalaw niApostol Pablo angCorinto na unang beses at nanatili roon ng 18 buwan (Mga Gawa 18:11). Umalis siya saCorinto at nagtungo saEfeso, kung saan siya nanatili ng 3 taon (Mga Gawa 19:8, 19:10, 20:31).
Sinulat ni Pablo ang "sulat na pagpapaalala" mula sa Efeso.
Sinulat ni Pablo ang1 Corinto mula Efeso (1 Corinto 16:8).
Dinalaw ni Pablo ang Corinto ng ikalawang beses gaya ng kaniyang sinabi sa 1 Corinto 16:6. Maaring nangyari ito nang nakadestino pa siya sa Efeso. Tinawag niya ito bilang isang "mapait na pagdalaw" sa2 Corinto 2:1.
Sinulat ni Pablo ang "sulat ng mga luha".
Sinulat ni Pablo ang 2 Corinto na nagsasabing muli niyang dadalawin ang Corinto nang ikatlong ulit (2 Cor 12:14, 2 Cor 13:1). Hindi niya sinabi kung saan siya sumusulat, subalit naganap ito noong nilisan ni Pablo ang Efeso patungongMacedonia (Mga Gawa 20).
Maaaring nakadalaw si Pablo ng 3 beses sa Corinto matapos niyang isulat ang liham na ito dahil nabanggit niya kataga saMga Gawa 20:2-3: na nanatili siya ng 3 buwan saGresya.
May tatlong pangunahing mga bahagi angIkalawang Sulat sa mga taga-Corinto: Una, ang pagtatanggol ni San Pablo tungkol sa kaniyang sarili (1, 1, - 7, 16). Ikalawa, mga abuloy na ukol sa mga taga-Jerusalem (8, 1, - 9, 15). At ikatlo, tungkol sa kaniyang pagiging alagad (10, 1 - 13, 13).[1] Naririto ang balangkas ng ikalawang liham ni San Pablo:
Pagbati (1:1-11).
Ipinagtanggol ni Pablo ang kaniyang mga gawa at pagkaapostol at nagpatunay sa kaniyang pag-ibig sa mga taga-Corinto (1:12 - 7:16).
Mga paalala sa abuluyan para sa mga mahihirap sa Iglesya saJerusalem (8:1 - 9:15).
Polemikong pagtatanggol sa kanyang pagka-apostol (10:1 - 13:10).