Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-3 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa289)
Milenyo:ika-1 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada  200dekada 210dekada 220dekada 230dekada 240
dekada 250dekada 260dekada 270dekada 280dekada 290
Silangang Emisperyo sa simula ng ikatlong dantaon AD.
Mapa ng mundo noong AD 250.
Silangang Emisperyo sa dulo ng ikatlong dantaon AD.

Angikatlong dantaon AD ay ang panahon mula201 hanggang300. Sa panahong ito, nagkaroon ng krisis angImperyong Romano, simula sa pagpaslang sa Romanong Emperador na siSeverus Alexander noong 235, na pinabagsak ang imperyo sa isang panahon ng suliraning ekonomiko, barbarong pagsalakay, pag-aalsang pampolitika, digmaang sibil, at paghihiwalay ng Imperyong Romano sa Imperyong Galo sa kanluran at Imperyong Palmira sa silangan, na sama-samang binantaan na wasakin ang Imperyong Romano sa kabuuan, datapwa't ang muling pananakop ng tumiwalag na mga teritoryo ni EmperadorAureliano at ang panahon ng pagpapatibay sa ilalim ni EmperadorDiocleciano dahil sa administratibong pagpapalakas ng imperyo ay nagdulot ng katupasan ng krisis noong 284. Minarkahan ng krisis ang simula ng HulingSinaunang Panahon.

SaPersya, pinalitan ngImperyong Parto ang Imperyong Sasanida noong 224 pagkatapos talunin at patayin ni Ardashir I si Artabanus V noong Labanan ng Hormozdgan. Pinasuko ng mga Sasanida ang maraming kanlurang bahagi ng nanghihinang Imperyong Kushan.

SaTsina, nagpatuloy ang kaguluhan na nagaganap simula pa noong 189 sa pagkatalo niCao Cao sa Labanan ng mga Pulang Talampas noong 208,[1] na pinataas ang pagtapos sa pag-asa ng pag-iisa at pamunuan ang dibisyon ng Tsina sa tatlong pangunahing imperyo:Shu,Wu, andWei, kolokyal na kilala bilang panahon ngTatlong Kaharian,[2] na nagsimula noong 220 na may pormal na pagbitiw ni Emperador Xian ng Han, para ibigay sa anak ni Cao Cao, na siCao Pi, sa gayon, naitatag ang Wei, na nagpatuloy sa pananakop ng Shu noong 263, ngunit mapagkakaisa din sa kalaunan sa ilalim ng dinastiyang Jin, na pinamunuan ng angkan Sima, na aagawin ang Wei noong 266, at sakupin ang Wu noong 280.

SaSubkontinenteng Indiyano, bumangon angImperyong Gupta tungo sa dulo ng siglo.

Pinamuan angKorea ngTatlong Kaharian ng Korea. Pumasok angHapon sapanahong Kofun. Binuo ngXiongnu ang estadongTiefu sa ilalim ni Liu Qubei. Karamihang nagdomina sa kalupaan ng Timog-silangang Asya angFunan; ang unang kaharian ng mgaKhmer (mga taga-Kambodya).

Sa panahon din na ito sa Sub-sahariyanang Aprika, umabot ang pagpalawak ng Bantu saKatimugang Aprika.

Sa Amerika bago ang Kolumbiyano, nanghina ang kulturang Adena sa lambak ng Ilog Ohio upang paboran ang kulturang Hopewell. Pumasok angkabihasnang Maya sa Klasikong Panahon nito.

Mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Origen, Romanong Kristiyanong manunulat at teologo
  • Liu Hui, Tsinong matematiko

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. McNab, Chris (2017).Famous Battles of the Ancient World (sa wikang Ingles). Cavendish Square Publishing, LLC. p. 74.ISBN 9781502632456.
  2. "Three Kingdoms | ancient kingdoms, China".Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong17 Marso 2019.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-3_dantaon&oldid=2139071"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp