Angika-3 dantaon BC ay nagsimula noong unang araw ng300 BC at nagtapos noong huling araw ng201 BC. Tinuturing itong bahagi ng Sinaunang panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Sa Palanggana ngMediteranyo, ang unang ilang mga dekada ng siglong ito ay nakikilala sa pamamagitan ng isang balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mgaGriyegong Hellenisitikong mga kaharian sa silangan, at ang dakilang kapangyarihan sa pangangalakal ngKartago sa kanluran. Nabasag ang balanseng ito nang umusbong ang hidwaan sa pagitan ng mga sinaunang Kartago at angRepublikang Romano. Noong mga sumunod na dekada, ang Republikang Kartaginesa ay kinawawa noong una at winasak pagkatapos ng mga Romano noong Una at IkalawangDigmaang Puniko. Pagkatapos ng IkalawangDigmaang Puniko, naging isang mahalagang kapangyarihan ang Roma sa kanluraning Mediteranyo.
Sa silangang Mediteranyo, lumaban angImperyong Seleucid at Kahariang Ptolomaiko, at mga estadong humalili saimperyo niAlejandrong Dakila sa isang serye ng mga Digmaang Siriyo para kontrolin angLebante. Sa kalupaangGresya, ang dinastiyang Antipatrid ngMacedonia na may maikling buhay ay pinatalsik at napalitan ng dinastiyang Antigonid noong 294 BC, isang bahay maharlika na magdodomina sa mga ugnayan ng Hellenistikong Gresya sa halos isang dantaon hanggang noong Unang Macedonyong Digmaan (na walang natalo o nanalo) na lumaban sa mga Roma. Matatalo din ang Macedonia sa Digmaang Kretense laban sa Griyegong estadong-lungsod ngRodas at ang mga kaalyansa nito.
SaIndia, namuno siAshoka saImperyong Maurya. Umusbong ang mga dinastiyang Pandya, Chola at Chera ng klasikong panahon sa sinaunang bansangTamil.
Nagtapos na ang mga Nagdidigmaang Estado sa Tsina, sa pagsakop niQin Shi Huang sa iba pang estadong-bansa at itinatag angdinastiyang Qin, ang unang imperyo ng Tsina, na sinundan sa parehong siglo ng pangmatagalangdinastiyang Han. Bagaman, nagkaroon ng panahon ng paghintong sandali at digmaang sibil sa pagitan ng the Qin at Han na kinalala bilang pagtatalong Chu-Han, na tumagal hanggang 202 BC sa pangwakas na tagumpay niLiu Bang kayXiang Yu.
Nagsimula ang Panahong Protohistoriko saTangway ng Korea. Sa sumunod na siglo, ang Tsinong dinastiyang Han ay sinakop ang kaharian ngGojoseon sa hilagang Korea. Nasa rurok na ng kapangyarihan angXiongnu saMongolia. Natalo nila ang mga Tsinong Han sa Labanan sa Baideng noong 200 BC, na minarkahan ang simula ng pinuwersangHeqin na tributaryong kasunduan at alyansang kasal na tumagal ng ilang mga dekada.