Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-21 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa2058)
Milenyo:ika-3 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada  2000dekada 2010dekada 2020dekada 2030dekada 2040
dekada 2050dekada 2060dekada 2070dekada 2080dekada 2090

Angika-21 dantaoon ay ang kasalukuyangsiglo ng panahongAnno Domini oKaraniwang Panahon, sang-ayon sakalendaryong Gregoryano. Nagsimula ito noong Enero 1, 2001 at magtatapos sa Disyembre 31, 2100.[1] Ang ika-21 dantaon ang unang dantaon saikatlong milenyo.

Namarkahan ang simula ng ika-21 siglo ng pagbangon ng pandaigdigangekonomiya at konsumerismo saIkatlong Mundo, na pinalalim ang pandaigdigang pag-aalala saterorismo at pribadongnegosyo.[2][3][4] Nagpatuloy ang mga epekto ngpag-init ng mundo at pagtaas ng antas ng dagat, kasama ang pagkawala ng walongpulo sa pagitan ng 2007 at 2014.[5][6][7] Nagdulot angArab Spring noong unang bahagi ng dekada 2010 sa magkahalong kinalabasan sa mundong Arabe, na nagresulta sa mgadigmaang sibil at pagpapatalsik sa mgapamahalaan.[8] Nanatili angEstados Unidos bilangpinakamakapangyarihang bansa, habang tinuturing angTsina na umuusbong na pinakamakapangyarihang bansa.

Noong 2017, namuhay ang mga kalahati (49.3%) ng populasyon ng mundo sa "ilang uri ng demokrasya," bagaman 4.5 bahagdan lamang ang namuhay sa buongdemokrasya.[9]

Lumawak ng malaki angUnyong Europeo na dinagdag ang 13 kasapingestado. Pinakilala ng karamihan sa mga kasaping estado ang isang karaniwangpananalapi, angEuro, at kumalas angReino Unido sa pagiging kasapi ng Unyong Europeo. Noong 2020, kumalat sa buong mundo angpandemyang COVID-19, na nagdulot sa malubhang pagkagambala sa ekonomiya, kabilang ang pinakamalaking pandaigdigangresesyon mula noongDakilang Depresyon.

Nagpatuloy ang IkatlongRebolusyong Industriyal na nagsimula noong mga dekada 1950 hanggang sa huling bahagi ngika-20 dantaon, at nagsimula ang transisyon nito sa Industry 4.0 at ang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal sa simula ng ika-21 dantaon.[10]

Sa paglaganap ng mga kagamitangmobile (tulad ngteleponong selular), nakakonekta sainternet ang higit sa kalahati ng populasyon ng mundo (taya noong 2018).[11]). Pagkatapos ng tagumpay ngHuman Genome Project, nagkaroon ng serbisyo ng pag-sequence ngDNA at ito ay abot-kaya.[12][13]

Teknolohiya at lipunan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang distrito ng Pudong Shanghai noong Nobyembre 2017

AngShanghai,Tsina ay isa sa mga pangunahing sentro at makabagong teknolohiya sa daigdig kasama angBeijing. Maging mga lungsod saCalifornia,Bagong York atMassachusetts ang mga lugar na may pinakauna at pinabilis sa mga teknolohiya at kagamitan.

Galeriya ng kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "The 21st Century and the 3rd Millennium".aa.usno.navy.mil (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2019-10-02. Nakuha noong2018-11-06.
  2. "Majority of Americans distrust the government".Reuters. 19 Abril 2010. Inarkibo mula saorihinal noong 2015-09-24. Nakuha noong1 Hunyo 2015.
  3. David A. Lake."Rational Extremism: Understanding Terrorism in the Twenty-first Century according to Kathii Erick Gitonga"(PDF).quote.ucsd.edu. Nakuha noong1 Hunyo 2015.
  4. "Working with Private Industry | Research Pages | The Stimson Center | Pragmatic Steps for Global Security".www.stimson.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 3 Pebrero 2016. Nakuha noong1 Hunyo 2015.
  5. https://www.newscientist.com/article/2146594-eight-low-lying-pacific-islands-swallowed-whole-by-rising-seas/
  6. https://www.scientificamerican.com/article/township-in-solomon-islands-is-1st-in-pacific-to-relocate-due-to-climate-change/
  7. https://www.environment.gov.au/climate-change/adaptation/international-climate-change-adaptation-initiative/pasap/solomon-islands
  8. Fisher, Marc (20 Disyembre 2011)."Arab Spring yields different outcomes in Bahrain, Egypt and Libya".The Washington Post (sa wikang Ingles).ISSN 0190-8286. Nakuha noong19 Marso 2020.
  9. https://www.forbes.com/sites/niallmccarthy/2018/02/01/the-best-and-worst-countries-for-democracy-infographic/#4deacc9c3fff
  10. Satell, Greg."Why The Digital Revolution Is Really Just Getting Started" (sa wikang Ingles). Nakuha noong1 Hunyo 2015.
  11. Digital in 2018: World's internet users pass the 4 billion markNaka-arkibo 2020-12-24 saWayback Machine. (sa Ingles)
  12. Gent, Edd (2020-03-08)."$100 Genome Sequencing Will Yield a Treasure Trove of Genetic Data".Singularity Hub (sa wikang Ingles). Nakuha noong2020-08-25.
  13. Molteni, Megan (19 Nobyembre 2018)."Now You Can Sequence Your Whole Genome for Just $200" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.wired.com.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-21_dantaon&oldid=2139091"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp