Angika-21 dantaoon ay ang kasalukuyangsiglo ng panahongAnno Domini oKaraniwang Panahon, sang-ayon sakalendaryong Gregoryano. Nagsimula ito noong Enero 1, 2001 at magtatapos sa Disyembre 31, 2100.[1] Ang ika-21 dantaon ang unang dantaon saikatlong milenyo.
Namarkahan ang simula ng ika-21 siglo ng pagbangon ng pandaigdigangekonomiya at konsumerismo saIkatlong Mundo, na pinalalim ang pandaigdigang pag-aalala saterorismo at pribadongnegosyo.[2][3][4] Nagpatuloy ang mga epekto ngpag-init ng mundo at pagtaas ng antas ng dagat, kasama ang pagkawala ng walongpulo sa pagitan ng 2007 at 2014.[5][6][7] Nagdulot angArab Spring noong unang bahagi ng dekada 2010 sa magkahalong kinalabasan sa mundong Arabe, na nagresulta sa mgadigmaang sibil at pagpapatalsik sa mgapamahalaan.[8] Nanatili angEstados Unidos bilangpinakamakapangyarihang bansa, habang tinuturing angTsina na umuusbong na pinakamakapangyarihang bansa.
Noong 2017, namuhay ang mga kalahati (49.3%) ng populasyon ng mundo sa "ilang uri ng demokrasya," bagaman 4.5 bahagdan lamang ang namuhay sa buongdemokrasya.[9]
Lumawak ng malaki angUnyong Europeo na dinagdag ang 13 kasapingestado. Pinakilala ng karamihan sa mga kasaping estado ang isang karaniwangpananalapi, angEuro, at kumalas angReino Unido sa pagiging kasapi ng Unyong Europeo. Noong 2020, kumalat sa buong mundo angpandemyang COVID-19, na nagdulot sa malubhang pagkagambala sa ekonomiya, kabilang ang pinakamalaking pandaigdigangresesyon mula noongDakilang Depresyon.
Nagpatuloy ang IkatlongRebolusyong Industriyal na nagsimula noong mga dekada 1950 hanggang sa huling bahagi ngika-20 dantaon, at nagsimula ang transisyon nito sa Industry 4.0 at ang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal sa simula ng ika-21 dantaon.[10]
Sa paglaganap ng mga kagamitangmobile (tulad ngteleponong selular), nakakonekta sainternet ang higit sa kalahati ng populasyon ng mundo (taya noong 2018).[11]). Pagkatapos ng tagumpay ngHuman Genome Project, nagkaroon ng serbisyo ng pag-sequence ngDNA at ito ay abot-kaya.[12][13]