Ang2021 (MMXXI) ay isang karaniwang taon na nagsisimula saBiyernes sakalendaryong Gregoryano, ang ika-2021 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Taon atAnno Domini (AD), ang ika-21 taon ngika-3 milenyo, ang ika-21 taon ngika-21 dantaon, at ika-2 taon ngdekada 2020.
Tinakda sa 2021 ang mga pangunahing pangyayari na orihinal na itinakda para sa2020, kabilang ang Wakas ng Liga ng mga Bansa ngUEFA Euro 2020,Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 atParalimpiko,2021 Copa América,Expo 2020 atIka-26 na Kumperensya sa Pagbabago ng Klima ng Nagkakaisang Bansa sa mga kaganapan na ipinagpaliban o kinansela dahil sapandemya ng COVID-19.[1]
Idineklera ngMga Nagkakaisang Bansa ang 2021 bilang Internasyunal na Taon ng Kapayapaan at Tiwala,[2] ang Internasyunal na Taon ng Malikhaing Ekonomiya para sa Napapanatiling Pag-unlad,[3] ang Internasyunal na Taon ng mgaPrutas atGulay,[4] at ang Internasyunal na Taon para sa Pagtanggal ng Paggawa ng Bata.[5] Iproneklema ngSimbahang Katoliko ang 2021 bilang Taon niSan Jose.[6]