Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

2000

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dantaon:ika-19 na dantaon -ika-20 dantaon -ika-21 dantaon
Dekada:Dekada 1970 Dekada 1980 Dekada 1990  -Dekada 2000 - Dekada 2010 Dekada 2020 Dekada 2030

Taon:199719981999 -2000 -200120022003

Ang2000 (MM) ay isangsiglongtaong bisyesto na nagsisimula saSabado, sang-ayon sakalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-100 at huling taon ngika-20 dantaon, ika-2000 taon ngAnno Domini oKaraniwang Panahon, ang unang taon ngdekada 2000, ang ika-25 at huling taong bisyesto ng ika-20 dantaon, at ang ika-1000 at huling taon ngikalawang milenyo.

Itinalaga ang 2000 bilang ang Internasyunal na Taon para sa Kultura ngKapayapaan[1] at ang Pandaigdigang Taon ngMatematika.[2]

Pinanghahawakan ngpopular na kultura ang taong 2000 bilang ang unang taon ngika-21 dantaon at ngikatlong milenyo dahil sa kinaugaliang pagpapangkat ng mga taon ayon sa desimal na halaga, na para bang nabibilang angtaong sero. Sang-ayon sa kalendaryong Gregoryano, pumapatak ang pagtatanging ito sa taong2001, dahil retroaktibong sinasabing nagsisimula angunang dantaon sa taongAD 1. Yayamang walang taong sero ang kalendaryong Gregoryano, umabot ang unang milenyo mula sa loob ng mga taong 1 hanggang 1000 at ang ikalawang milenyo mula sa mga taong 1001 hanggang 2000. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan angdantaon atmilenyo.)

Dinadaglat din minsan ang taong 2000 bilang "Y2K" (nangangahulagan ang "Y" bilang "year", angIngles ng taon, at nangangahulugan ang "K" bilang "kilo" na ibig sabihin ay "isang libo").[3][4] Naging paksa ng alalahaning Y2K ang taong 2000, na mga takot sa hindi tamang pagpalit mula 1999 tungo 2000 ng mgakompyuter. Bagaman, sa katapusan ng 1999, maraming mga kompanya ang nagpalit na sa bago, o pinataas nasoftware. May ilan din ang kumuha ng "sertipikasyong Y2K." Bilang isang resulta ng malawakang pagsisikap, medyo kaunting mga problema ang naganap.

Kaganapan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
PlayStation 2
Juan Pablo II
  • Enero 2 - Maramihang pagpatay sa Kosheh: Minasaker ang dalawampungKoptikongKristiyano ng mga tagabaryongMuslim sa Kosheh,Ehipto.
  • Enero 6 - Natagpuang patay ang huling likas na Pirenaikong aybeks, na tila namatay dahil sa bumagsak na puno.
  • Enero 10 - Inihayag ng America Online ang isang kasunduan upang bilhin ang Time Warner sa halagang $ 162 bilyon (ang pinakamalaking pagsasama ng mga kompanya).
  • Enero 31
    • Bumagsak ang Alaska Airlines Lipad 261 sa baybayin ngCalifornia patungo saKaragatang Pasipiko, na kinitil ang 88.
    • Napatunayang nagkasala si Dr. Harold Shipman sa pagpatay sa 15 pasyente sa pagitan ng 1995 at 1998 sa Hyde, Kalakhang Manchester,Inglatera, at pinarusahan ng habambuhay na pagkabilanggo. Itinuring ng kasunod na pagtatanong na pumatay siya ng hindi bababa sa 215.[5]
  • Marso 4 Nailabas angPlayStation 2 sa bansangHapon, na sinundan ng ibang pagpapalabas sa kanluraning merkado noong huling bahagi ng 2000.[6][7][8][9]
  • Marso 12
  • Abril 3Estados Unidos laban sa Microsoft Corp.: Pinagpasayahan na nilabag ngMicrosoft ang batas kontra monopolyo (antitrust) saEstados Unidos sa pamamagitan ng pagpapanatili ng "mapang-api na hinlalaki" sa mga kakumpitensya nito.
  • Mayo 5
  • Mayo 11 – Umabot ang populasyon ngIndya sa 1 bilyon.[12][13]
  • Setyembre 13 Ipinakilala niSteve Jobs ang pampublikong beta ngMac OS X para sa halagang$ 29.95.[14]
  • Oktubre 15 – Nanalo siDale Earnhardt Sr ng kanyang ika-76 at huling karera sa karerangNASCAR sa Talladega Superspeedway.
  • Nobyembre 2 – Pumasok ang unang residenteng tripulante sa Internasyunal na Estasyong Pangkalawakan (International Space Station).
  • Nobyembre 7 – Ang Pampangulong Halalan ng Estados Unidos ng 2000: Walang naideklarang nanalo, na naudyukan ang isang kontrobersyal na muling pagbilang saFlorida.[15]
  • Disyembre 12 – Bush laban kay Gore: Pinasyahan ng Korte Suprema ng Estados Unidos na kailangang itigil ang muling pagbilang sa pampangulong halalan sa Florida ng 2000 at isertipika ang orihinal na resulta, sa gayon, gagawing siGeorge W. Bush ang panalo sa pampangulong halalan ng Estados Unidos.[16]

Populasyon ng mundo

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Populasyon ng mundo[17]
200019952005
Mundo6,070,581,0005,674,380,000+396,201,000+6.98%6,453,628,000+383,047,000+6.31%
Aprika795,671,000707,462,000+88,209,000+12.47%887,964,000+92,293,000+11.60%
Asya3,679,737,0003,430,052,000+249,685,000+7.28%3,917,508,000+237,771,000+6.46%
Europa727,986,000727,405,000+581,000+0.08%724,722,000-3,264,000-0.45%
Latino Amerika520,229,000481,099,000+39,130,000+8.13%558,281,000+38,052,000+7.31%
Hilagang Amerika315,915,000299,438,000+16,477,000+5.50%332,156,000+16,241,000+5.14%
Oseaniya31,043,00028,924,000+2,119,000+7.33%32,998,000+1,955,000+6.30%

Kapanganakan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kristian Kostov
  • Nobyembre 14 –Xiyeon, Koreanang aktres at mang-aawit

Kamatayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Bettino Craxi
Walter Matthau
Jason Robards

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "CULTURE OF PEACE WEBSITE" (sa Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong Setyembre 25, 2000.
  2. "Isaac Newton Maths posters in the London Underground" (sa Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong Oktubre 10, 2013. Nakuha noongHulyo 23, 2009.
  3. "Y2K, After the Hype" (sa Ingles). CalendarHome.com. Inarkibo mula saorihinal noong Agosto 31, 2013. Nakuha noong2013-09-15.
  4. Kelley, Tina (1999-12-27)."'Y2K' Stands for the Year 2000. Now That Wasn't Really Difficult, Was It?".The New York Times (sa Ingles). Nakuha noong2013-09-15.
  5. ""Harold Shipman: Timeline"" (sa Ingles).BBC News. July 18, 2002. Nakuha noongHunyo 18, 2019.
  6. Griffin, Joe (Disyembre 11, 2014)."PlayStation has delivered 20 years of gaming but the best is yet to come".The Irish Rimes (sa Ingles).PlayStation 2 is arguably the most successful games console in the world, having shifted more than 155 million units
  7. John Agnello, Anthony (Enero 7, 2013)."RIP PlayStation 2: Sony halts production of the most successful game console in history".Digital Trends (sa Ingles).
  8. "Playstation 2 sweeps into Europe".BBC News (sa Ingles). Nobyembre 24, 2000.
  9. Marriott, Michel (Oktubre 26, 2000)."PlayStation 2: Game Console as Trojan Horse".The New York Times (sa Ingles).
  10. Ray, Justin (Marso 30, 2000)."Sea Launch malfunction blamed on software glitch".Spaceflight Now (sa Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noongEnero 11, 2021.
  11. "Planetary Alignment of 5 May 2000" (sa Ingles). Nssdc.gsfc.nasa.gov. Inarkibo mula saorihinal noong 2020-04-19. Nakuha noong2013-09-15.
  12. "Lakeland Ledger - Google News Archive Search" (sa Ingles).[patay na link]
  13. "Ludington Daily News - Google News Archive Search" (sa Ingles).[patay na link]
  14. "Apple Releases Mac OS X Public Beta".Apple.com (sa Ingles).Apple Inc. Setyembre 13, 2000. Nakuha noongSeptember 12, 2018.
  15. "Florida recounts votes county by county as candidates wait".CNN.com (sa Ingles). Nobyembre 8, 2000. Inarkibo mula saorihinal noong Nobyembre 9, 2000. Nakuha noongAbril 16, 2020.
  16. "Bush v. Gore".Cornell Law School Legal Information Institute (sa Ingles). Nakuha noongAbril 16, 2020.
  17. World Population ProspectsNaka-arkibo 2007-12-16 saWayback Machine.. Hinango noong Nobyembre 19, 2007.
Pangyayari ayon sa taon
Dekada 2000
Dekada 2010
Dekada 2020
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=2000&oldid=2175270"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp