Kabilang sa mga mahahalagang kaganapan ang muling pagsasama ngAlemanya at pagkakaisa ngYemen,[1] ang pormal na simula ng Proyektong Henoma ng Tao (natapos noong2003), ang paglunsad ngTeleskopyong Pangkalawakang Hubble, ang paghiwalay ngNamibia mula saTimog Aprika, at ang pagdedeklera ng mgaestadong Baltiko ng kalayaan mula saUnyong Sobyet sa gitna ngPerestroika. Gumuho ang rehimengkomunista ngYugoslavia sa gitna ng tumataas na mga panloob na tensyon at maramihang partidong eleksyon na ginawa sa mga nasasakupang republika na nagresulta sa mga pamahalaang hiwalay na mahalal sa karamihan ng mga republika na sinimulan ang pagkalas ng Yugoslavia. Nagsimula din sa taon na ito ang krisis ng nagdulot saDigmaang Gulpo noong 1991 kasunod ng pagsakop ng Iraq at malawakang internasyunal na hindi pagkilala sa pag-okupa ngKuwait. Nagresulta ang pag-okupa na ito ng isang krisis saGulpong Persa na kinasangkutan ng isyu ng soberanya ng Kuwait at ang mga takot ngSaudi Arabia sa agresyon ng Iraq laban sa kanilang imbakan ng langis malapit sa Kuwait. Nagdulot ito sa pagsasagawa ngOperation Desert Shield na may internasyunal na koalisyon ng mga puwersang militar na magtipon sa hangganan ng Kuwait at Saudi kasama ang mga hiling sa Iraq na mapayapang umalis sa Kuwait. Sa taon din na ito, napalaya siNelson Mandela sa pagkakabilanggo, at nagbitiw siMargaret Thatcher bilangPunong Ministro ng Reino Unido pagkatapos ng higit sa 11 taon.
Mahalagang taon ang 1990 sa maagang kasaysayan ngInternet. Noong taglagas ng 1990, nilikha niTim Berners-Lee ang unangweb server at ang pundasyon para saWorld Wide Web. Nagsimula ang mga operasyon sa pagsubok noong mga Disyembre 20 at inilabas sa labas ng CERN noong sumunod na taon.[2] Sa 1990 din nangyari ang pagdedekomisyon ngARPANET, isang tagapagpauna ng sistema ng Internet at ang introduksyon ng unang nilalamangweb search engine, ang Archie, noong Setyembre 10.[3]
Noong 14 Setyembre 1990, naganap ang unang kaso ng matagumpay na somatikong terapewtikahene sa isang pasyente.[4]
Dahil sa maagang resesyon noongdekada 1990 na nagsimula ng taon na ito at walang katiyakan dahil sa pagguho ng mgasosyalistang pamahalaan saSilangang Europa, natigil o matarik na bumaba ang antas ng pagsilang sa maraming bansa noong 1990. Sa karamihan sa kanluraning bansa, naabot ang rurok ng Echo Boom noong 1990; humina ang antas ng pertilidad pagkatapos nito.[5]
Nakapagbenta angEncyclopædia Britannica, na hindi na nagiimprenta noong in2012, sa taon na ito ng pinakamataas sa lahat ng panahon noong 1990; 120,000 bolyum ang nabenta ng taon na iyon.[6]
Pebrero 11 – Pinakawalan siNelson Mandela mula sa Piitan ng Victor Verster, malapit saCape Town, Timog Aprika, pagkatapos ng 27 taon ng pagkakakulong.
Pebrero 15 – Pinanumbalik ngReino Unido atArhentina ang diplomatikong ugnayan pagkatapos ng 8 taon. Pinutol ng Reino Unido ang ugnayan bilang tugon sa pagsakop ng Arhentina saKapuluang Falkland, isang Britanikong Dumidependeng Teritoryo, noong1982.[8]
Hunyo 8 – Nagsimula angPandaigdigang Kopa ng FIFA ng 1990 saItalya. Ito ang unang pagsasahimpapawid ng dihital naHDTV sa kasaysayan; Hindi magsisimula ang Europa na magsahimpapawid ng HDTV ng malawakan hanggang noong2004.[15]
Hulyo 1 – Muling pagsasanib ng Alemanya: Nagsanib angSilangang Alemanya atKanlurang Alemanya ng kanilang mga ekonomiya, ang Kanlurang Aleman na Deutsche Mark ay naging opisyal na pananalapi din ng Silangan. Natapos din ang paggana ng Panloob na Hangganang Aleman (itinayo noong1945).
Oktubre – Nagsimula siTim Berners-Lee ng kanyang pagsasagawa ngWorld Wide Web, 19 na buwan pagkatapos ng kanyang matagumpay na balangkas noong1989 na magiging konsepto ng Web.[20]
Nobyembre 9 – Isang bagong konstitusyon ang nagkabisa saKaharian ng Nepal, na itinatatag ang maramihang partidongdemokrasya atmonarkiyang pangkonstitusyon; ito ang kasukdulan ng Kilusan ng mga Tao noong 1990.
Roald Dahl, Britanikong nobelista, manunulat ng maikling kuwento, manunula, manunulat ng eksena, at pilotong lumalaban noong panahon ng giyera (ipinanganak1916)
Nguyễn Văn Tâm, politikong taga-Timog Vietnam, ika-4 na Punong Ministro ng Vietnam (Timog Vietnam) (ipinanganak1893)