Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-2 dantaon BC

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa196 BC)
Milenyo:ika-1 milenyo BCE
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada 190 BCEdekada 180 BCEdekada 170 BCEdekada 160 BCEdekada 150 BCE
dekada 140 BCEdekada 130 BCEdekada 120 BCEdekada 110 BCEdekada 100 BCE
AngSilangang Emisperyo noong simula ng ika-2 dantaon BC.
AngSilangang Emisperyo noong dulo ng ika-2 dantaon BC.

Nagsimula angika-2 dantaon BC noong unang araw ng200 BC at nagtapos noong huling araw ng101 BC. Tinuturing na bahagi ito ng Klasikong panahon, bagaman, depende sa rehiyon na pinag-aaralan, maaring mas angkop ang ibang katawagan. Tinuturing din ito bilang katapusan ng Aksyal na Panahon.[1] Sa konteksto ngSilangang Mediteranyo, tinutukoy ito bilang ang panahong Hellenistiko.

Sariwa pa mula sa mga tagumpay saIkalawang Digmaang Puniko, nagpatuloy na pagpapalawak ngRepublikang Romano sa mga katabing teritoryo, sa kalaunan, sinanib angGresya at ang baybayin ngHilagang Aprika, pagkatapos wasakin angKartago noong wakas ngIkatlong Digmaang Puniko. Naramdaman ang impluwensya ngRoma saMalapait na Silangan, habang ang pagguho ng mga Hellenistikong estado tulad ngImperyong Seleucid ay napuwersang gumawa ng mga kasunduan sa kagustuhan ng Roma upang maiwasan ang paghaharap sa mga bagong amo ng kanluraningMediteranyo. Nasaksihan ng dulo ng siglo ang reporma sa Hukbong Romano mula sa isang mamamayang hukbo tungo sa boluntaryong propesyunal na puwersa, sa loob ng gabay ng mga kilalang heneral at estadista na siCayo Mario (Reporma ni Mario).

SaTimog Asya, gumuho angImperyong Maurya saIndya nang pinaslang si Brihadnatha, ang huling emperador, niPushyamitra Shunga, isang heneral na Maurya at tagapagtatag ngImperyong Shunga.

SaSilangang Asya, naabot ngTsina ang pinakamataas na punto sa ilalim ngDinastiyang Han. Pinalawak ng Imperyong Han ang mga hangganan nito mulaKorea sa silangan hanggang saVietnam sa timog hanggang sa mga hangganan ng lugar naKazakhstan na ngayon sa kanluran. Sa ika-2 siglo BC din, pinadala ng Han ang manggagalugad na siZhang Qian upang galugarin ang mga lupain sa kanluran at upang buuin ang isang alyansa sa mgaYuezhi at labanan ang mga nomadikong tribo ngXiongnu.[2]

Mga kaganapan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]
SiEmperador Wu ng Han ang marahil na pinakamakapangyarihang tao sa mundo noong dulo ng siglo

Agham at pilosopiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Meister, Chad (2009).Introducing Philosophy of Religion (sa wikang Ingles). Abingdon: Routledge. pp. 10.ISBN 0-203-88002-1.
  2. C.Michael Hogan,Silk Road, North China, The Megalithic Portal, ed. A. Burnham (sa Ingles)
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-2_dantaon_BC&oldid=2086903"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp