Angika-18 dantaon ay nagsimula noong Enero 1, 1701 hanggang Disyembre 31, 1800. Noong ika-18 dantaon, humantong ang mga elemento ng pag-iisip ngPagkamulat sa mga rebolusyongAmerikano,Pranses, atHaitiyano. Sa panahong ito nakita ang marahas na kalakalan ng mgaalipin at tao sa pandaidigang kalakihan. Ang reaksyon laban sa mga aristokratikong kapangyarihan ang tumulong sa pag-alab sa mga tugon sa pagrerebolusyon laban dito sa buong siglo.
Paminsan-minsang binibigyan kahulugan ng mgaKanluraning dalubhasa sakasaysayan ang ika-18 dantaon dili kaya'y para sa layunin ng kanilang gawa. Halimbawa, maari ang depinisyon ng "maikling" ika-18 dantaon ay ang mga taon mula 1715 hanggang 1789, na ipinakikilala ang panahon sa pagitan ng kamatayan niLouis XIV ng Pransya at ang simula ng Rebolusyong Pranses, kasama ang pagbibigay-diin sa mga kaganapang magkakaugnay.[1][2] Sa mga dalubhasa sa kasaysayan na pinalawig ang siglo na sinama ang mas malaking kilusang makasaysayan, ang "mahabang" ika-18 siglo[3] ay maaring tumakbo mula sa Maluwalhating Rebolusyon ng 1688 hanggang sa Labanan sa Waterloo noong1815[4] o mas kalaunan pa.[5]
1752:Mayo 10 – Sa Marly-la-Ville saPransya, matagumpay na isinagawa ng pisikong si Thomas-François Dalibard angeksperimento sa saranggola na minungkahi niBenjamin Franklin sa aklat na Franklin's Experiments and Observations on Electricity.[6]
1763:Mayo 28 -Diego Silang, Ama ng Rebolusyonaryong Ilokos (ipinanganak 1730)
1763:Setyembre 20 -Gabriela Silang, unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. (ipinanganak 1731)
1778:Mayo 30 -François-Marie Arouet na mas kilala sa kanyang pangalang pampanitikan na Voltaire, manunulat, tagapagsanaysay, at pilosopong Pranses (ipinanganak 1694)
↑Marshall, P. J., pat. (2001).The Oxford History of the British Empire: Volume II: The Eighteenth Century (Oxford History of the British Empire). Oxford University Press, USA.ISBN978-0-19-924677-9.OCLC174866045., "Introduction" ni P. J. Marshall, pahina 1 (sa Ingles)