Labanan sa Nördlingen (1634). AngImperyal na sandatahan ng mga Katoliko, na tinulungan ng mga propesyunal na sandatahang Espanyol ay dakilang nagwagi laban sa pinagsamang sandatahan ng mga protestanteng Suwesya at ang kakampi nitong mga Aleman.
Angika-17 dantaon ay isangsiglo na nagsimula noong Enero 1,1601, hanggang natapos ito noong Disyembre 31,1700. Pumapatak ito sa Maagang Makabagong panahon saEuropa at sakontinente na iyon (na tumataas ang impluwensiya nito sa mundo) ay nakikilala sa kilusang pangkalinangan naBaroque, ang huling bahagi ngGinintuang Panahon ng Kastila, angGinintuang Panahon ng Olanda, ang Pranses naGrand Siècle na namayani siLouis XIV, angRebolusyong Agham, ang kauna-unahang publikong kompanya sa mundo at megakorporasyon na kilalab bilangDutch East India Company, at sang-ayon sa ilang dalubhasa sa kasaysayan, ang Pangkalahatang Krisis. Ang pinakamalaking labanangmilitar ay angTatlumpung Taong Digmaan,[1] ang Malaking Digmaang Turko, Digmaang Mughal–Safavid(Digmaang Mughal–Safavid (1622–23)]], Digmaang Mughal–Safavid (1649–53)]]), Digmaang Mughal-Maratha, at ang Digmaang Olandes-Portuges. Sa panahon din ito ang masugid na nagsimula angEuropeong pananakop ng Kaamerikahan, kabilang pagsasamantala ng mga depositongpilak, na nagdulot sa mga paglaban sainplasyon habang papunta ang kayamanan sa Europa.[2]
Marso 14: Labanan sa Leghorn: Tinalo ng isang Olandes na armada ang isang Ingles; ang kumander na Olandes na si Johan van Galen, ay namatay dahil sa kanyang mga natamong sugat.
Agosto 8-Agosto 10: Labanan ng Scheveningen: Ang huling labanang pandagat ng Unang Digmaang Anglo-Olandes ay pinaglabanan sa labas ng Texel; nakuha ng hukbong-dagat na Ingles ang isang taktikong tagumpay sa armadang Olandes.
Nobyembre: Iniwan ni John Casor ang sakahan ni Anthony Johnson, pagkatapos angkinin ang kanyang kontrata ng kasunduan na paso na.
Si Frederick William, ang Tagahalal ngBrandenburg, ay muling kinumpirma ang kalayaan sa mga maharlika mula sa pagbubuwis at ang kanilang walang limitasyong kontrol sa mga pisante.