Martin Luther sa gulang na 46 (Lucas Cranach ang Matanda, 1529)
Angika-16 na dantaon ay nagsimula saHuliyanong taon na 1501 at natapos sa Huliyano oGregoryanong taon na 1600 (depende sa ginamit na pagtuos; ipinakilala ng kalendaryong Gregoryano ang isang paglaktaw ng 10 araw noong Oktubre 1582).[1]
Pinapalagay ng mga dalubhasa sakasaysayan ang ika-16 na siglo bilang ang dantaon na umangat angKanluraning kabihasnan at nangyari ang Panahon ng Islamikong Pulbura.
Noong ika-16 na dantaon, ipinakilala angMauritius sa mgamapa, ginalugad ngEspanya atPortugal angKaragatang Indiyano at binuksan ang paglaganap sa buong mundo ng mga ruta sa kalakalan sakaragatan, at binigyan ng pahintulot siVasco da Gama ng mga Sultang Indiyano na manirahan sa mayamang Sultanatong Bengal.[2][3][4] Naging kolonya ng Kastila at Portuges ang malaking bahagi ngBagong Mundo, at habang namuno ang mga Portuges sa kalakalan sa Karagatang Indiyano saAsya atAprika, nagbukas ang mga Kastila ng kalakalan saKaragatang Pasipiko, na dinudugtong angmga Amerika atIndya.
Itinatag ng panahon na ito ngkoloniyalismo ang merkantalismo bilang ang namamayaning paaralan ng kaisipangekonomiko, kung saan tinitingnan ang sistemang ekonomiko bilang isang larong serong-kabuuan na sinasabing na kahit anong nakuhang pakinabang ng isang partido ay kinakailangan ang pagkalugi ng isa pa. Hinimok ang doktrinang merkantalista ang maraming digmaang intra-Europeo ng panahon na ito at masasabing nagpaalab sa pagpapalawak atimperyalismo ngEuropa sa buong mundo hanggangika-19 na dantaon o unang bahagi ngika-20 dantaon.
Nagbigay ng malaking dagok angRepormang Protestante sa awtoridad ngpapasiya at saSimbahang Katoliko. Namayani ang sa politikong Europeo ang pagtatalo sarelihiyon, na naging saligan sa mahabang Digmaang Tatlumpung Taon na nailatag sa pagtatapos ng siglo. SaItalya, iba't ibang kontribusyon ang ginawa ng nangungunang mga taongrenasimiyento na nagdulot sa pundasyon ng mahahalagang paksa na kinabibilangan ngaccounting atagham pampolitika. Inimbento niGalileo Galilei ang unang termometro at gumawa ng mahalagang kontribusyon sa larangan ngRebolusyong Siyentipiko. SaInglatera, nagsulat ang Briton-Italyanong si Alberico Gentili ng unang aklat tungkol sa publikong batas pang-internasyunal at hiniwalay ang sekularismo mula sabatas Kanoniko atteolohiyang Katoliko.
1519:Setyembre 20 – Umalis siFernando de Magallanes mulaEspanya kasama ang limang armada ng mga barko, upang maglayag pakanluran at abutin ang mga Pulo ng Pampalasa.
1519:Mayo 2 -Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (ipinanganak1452)
Agosto 8 – Pagbagsak ng Tenochtitlan: Tinalo niHernán Cortés at mga kakampingkatutubo ng mga Amerika ang mga puwersangAztec fng Cuauhtémoc, ang hulingTlatoani (Emperador na Aztec), sa Tenochtitlan sa Lambak ng Mehiko.
Disyembre 8 – Itinatag ni Francisco Hernandez de Cordoba ang lungsod ng Granada,Nicaragua, ang pinakamatandang Hispanikong lungsod sa pangunahing lupain sa Kanlurang Hating-globo.
1535:Mayo 27 - Itinatag ngEspanya angBirreynato ng Bagong Espanya na nakabase sa Mehiko upang pangasiwaan ang Imperyo ng Espanya sa pamamagitan ng isang birrey oviceroy.
↑Kumikiling ang mga reperensiyang gawa ng panahon na ito sa pagsunod sa pagkilala ng kalendaryong Gregoryano para sa pagsaalang-alang ng pagiging malinaw; sa gayon, sinsabi ngkatalogo ng pambuwan na eklipse ng NASA na "Ginagamit ang kalendaryong Gregoryano para sa lahat ng petsa mulat 1582 Okt 15 pataas. Bago ang petsa, ginagamit ang kalendaryong Huliyano." Para sa mga petsa pagkatapos ng 15 October 1582, kailangang mag-ingat upang maiwasan ang pagkalito sa dalawang istilo.
↑Vadime Elisseeff (1998).The Silk Roads: Highways of Culture and Commerce (sa wikang Ingles). Berghahn Books.ISBN978-1-57181-221-6.
↑Nanda, J. N (2005).Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.ISBN978-81-8069-149-2.Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.