Bumagsak angConstantinople, na nakilala bilang ang Kabisera ng Sanlibutan at ang Kabisera ngImperyong Bisantino (Turkiya ngayon), sa umuusbong naTurkong Otomano naMuslim, na tinatakda ang katapusan ng napakatinding impluwensiya ng Imperyong Bisantino at, para maraming dalubhasa sa kasaysayan, ang katapusan ng Gitnang Panahon.[1] Nagdulot ito ng paglipat ng mga paham naGriyego at mga teksto saItalya, habang ang imbensyon niJohannes Gutenberg na mekanikal na gumagalaw na tipo ang nagsimula ngpag-imprenta. Nagkaroon ng susing pagganap ang dalawang kaganapan na ito sa pagsulong ngRenasimiyento.[2][3] Nahati angPapasiyang Romano sa dalawang bahagi sa Europa sa maraming dekada (ang tinatawag nilang Kanluraning Sisma o Paghahati), hanggang saKonseho ng Constancia. Naiuugnay ang dibisyon saSimbahang Katoliko at ang kaguluhan nito sa kilusang Husita na naging dahilan sa pag-usbong ngRepormasyong Protestante ng sumunod na siglo. Nabuwag ang IslamikongEspanya (Al-Andalus) sa pamamagitan ng Kristiyanong Reconquista, na sinundan ng puwersahang kombersyon at ang rebelyong Muslim,[4] na natapos sa pitong siglo ng pamumunong Islamiko at pagbalik sa Espanya,Portugal at Katimugang Pransya sa mga namumunongKristiyano.
Ang paghanap para sa kayamanan at kaunlaran ng Sultanato ng Bengal saIndia[5] ay nagdulot sakolonisasyon ngmga Amerika niChristopher Columbus noong 1492 at ang Portuges na paglalayag niVasco da Gama, na nagdugtong sa Europa at sa subkontineteng Indiyano, na naghatid sa panahon ng mga imperoyongIberiyano.
1452:Abril 15 -Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (namatay1519)
1492:Enero 15 – Nakipagpulong siChristopher Columbus kinaFernando atIsabel sa Alcázar de los Reyes Cristianos sa Córdoba, Andalusia, at hinimok silang suportahan ang kanyang Atlantikong paglalayag na nilayong hanapin ang isang bagong ruta patungo sa Silangang Indiyes.
↑Crowley, Roger (2006).Constantinople: The Last Great Siege, 1453 (sa wikang Ingles). Faber.ISBN0-571-22185-8. (sinuri niFoster, Charles (22 Setyembre 2006)."The Conquest of Constantinople and the end of empire".Contemporary Review (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 22 Agosto 2009.It is the end of the Middle Ages
↑Harvey 2005, p. 14. harv error: no target: CITEREFHarvey2005 (help)
↑Nanda, J. N (2005).Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.ISBN978-81-8069-149-2.Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
↑Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Cheng Ho?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN 0671604767.,Explorers and Pioneers, pahina 111. (sa Ingles)