SiTamerlane Ang Mananakop, ang tagapagtatag ng Imperyong Timurid.Europa noong 1328Tinalo niTimur ang Sultan ng Delhi, si Nasir-ud-Din Mahmud Shah Tughluq, noong tagniyebe noong 1397–1398, pinetsahan ang pinta noong 1595–1600.Ang mga humaliling estado ngImperyong Mongol noong 1335: ang Ilkhanate, Ginutuang Horde,Dinastiyang Yuan at ang Chagatai Khanate.
Bilang isang pagtatala ng paglipas ngpanahon, angika-14 na dantaon ay isangsiglo na tumagal mula Enero 1, 1301 hanggang Disyembre 31, 1400. Sa panahong ito, nakaranas angKanlurang Aprika atsubkontinenteng Indiyano ng paglago ngekonomiya at kaunlaran.
SaEuropa, kinuha ngSalot na Itim ang 25 milyong buhay – nilipol ang isang-katlo ngpopulasyon saEuropa[1] – habang lumaban angKaharian ng Inglatera at Kaharian ngPransya sa mahabang Isang Daang Digmaan pagkatapos ng pagkamatay ni Carlos IV, Hari ng Pransya na nagdulot sa pag-angkin sa trono ng Pransya ni Eduardo III ng Inglatera. Tinuturing ang panahon na ito bilang ang pinakamataas na punto ngkagalantihan at tinatakda ang simula ng matibay na magkahiwalay na identidad para sa parehong Inglatera at Pransya gayon din ang pundasyon ngRenasimiyentong Italyano atImperyong Otomano.
SaAsya, itinatag niTamerlane (Timur) angImperyong Timurida. Tinataya ng mga paham na nagdulot ang kampanyang militar ni Timur ng 17 milyong tao na namatay, na nasa 5% ng kabuuang populasyon ng mundo noong mga panahon na iyon. Kasabay nito, umusbong ang Renasimiyentong Timurid. Sa mundongArabe, nagkaroon ng malaking kontribusyon ang dalubhasa sa kasaysayan at siyentipikong pampolitika na siIbn Khaldun at manggagalugad na siIbn Battuta.
SaIndia, nahati ang Sultanatong Bengal mula saSultanato ng Delhi, isang pangunahing bansang nangangalakal sa mundo. Isinalarawan ng mga Europeo ang sultanato bilang ang pinakamayamang bansa na maaring makipagkalakalan.[2] Napalayas mula saTsina ang korteng Mongol at nagretiro saMongolia, bumagsak angIlkanato, nabuwag ang Chaghatayid at naging dalawang bahagi, at nawala ang posisyon ngGinintuang Horda bilang isang mahalagang kapangyarihan saSilangang Europa.
SaAprika, ang mayamangImperyong Mali, isang imperyong nangununa sa produksyon ngginto sa daigdig, ay naabot ang panteritoryo at ekonomikong rurok sa ilalim ng paghahari ni Mansa Musa I ngMali, ang pinakamayamang indibiduwal noongpanahong medyebal, at sang-ayon sa mga iba't ibang sanggunian, siya ang pinamayaman sa lahat ng panahon.[3][4]
↑Black Death, Encyclopaedia Britannica (sa Ingles)
↑Nanda, J. N (2005).Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.ISBN978-81-8069-149-2.Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.