Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-13 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa1227)
Milenyo:ika-2 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada  1200dekada 1210dekada 1220dekada 1230dekada 1240
dekada 1250dekada 1260dekada 1270dekada 1280dekada 1290
AngImperyong Mongol noong 1227 sa pagkamatay niGenghis Khan
Dobleng pilak nadirham niGhazan Khan na ginawa pagkatapos ng panghihimasok ngImam na siIbn Taymiyyah.[1]
Harap: Leyenda sa Arabe: لاإله إلا الله محمد رسول الله صلى الله عليه وسلم/ ضرب تبريز/ في سنة سبع ...رLā ilāha illa llāha Muḥammadun rasūlu llāhi ṣalla llāhu ʽalayhi wa-sallam / ḍuriba Tabrīz / fī sanati sabʽin ...: "Walang ibang Diyos kundi siAllah, siMuhammad ang kanyang Propeta, sumakanya ang Kapayapaan / Naka-minta saTabriz sa taong ...7"
Likod: Leyenda sa sulat Mongoliyano (maliban para sa "Ghazan Mahmud" sa Arabe):Tengri-yin Küchündür. Ghazan Mahmud. Ghasanu Deledkegülügsen: "Sa pamamagitan ng kalakasan ng Kalangitan / Ghazan Mahmud / Ginawa ang barya para sa Ghazan".
Minta ngTabriz. 4.0 gr (0.26 g). Pilak.
Ang pambungad na pahina ng isa sa mga gawang pangmedisina niIbn al-Nafis. Marahil na kopya ito na ginawa saIndia noongika-17 dantaon oika-18 dantaon.

Angika-13 dantaon ay isangsiglo na tumagal mula Enero 1,1201 hanggang Disyembre 31,1300 sang-ayon sakalendaryong Huliyano.

Sa panahong ito, itinatag niGenghis Khan angImperyong Mongol, na sumakop mulaSilangang Asya hanggangSilangang Europa. Binago ang kurso ng mundongMuslim ang mga pananakop niHulagu Khan at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ngBaghdad (1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang PanahongIslamiko. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ngImperyong Mali atSultanato ng Delhi ang sumakop sa malaking bahagi ngKanlurang Aprika atsubkontinenteng Indiyano, habang nakaranas angBudismo ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas naGitnang Panahon.

Mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Maagang ika-13 dantaon – pininta ni Xia Gui angLabing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo, noong Dinastiyang Katimugang Song.
  • Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyongArs antiqua ngKanluraning musikang Europeo.
  • Ang pinakamaagang kilangkwitis, mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
  • Hiniram ng mga Tsino angmulino mula sa Islamikong mundo.
  • Naimbento ang salamin sa mata saVenice,Italya.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Para sa numastikong impormasyon:Coins of GhazanNaka-arkibo 2008-02-01 saWayback Machine.,pagbasa sa barya ng IlkhanidNaka-arkibo 2008-02-01 saWayback Machine. (sa Ingles).
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-13_dantaon&oldid=2139076"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp