Ang Silanganing Emisperyo sa simula ng ika-12 dantaon.Nagpalit ng relihiyon angImperyong Gurida mulaBudismo patungongIslam.SinaSaladin Ayyubi at Guy ng Lusignan pagkatapos ng Labanan ng Hattin.
Angika-12 dantaon ay isang panahon mula1101 hanggang1200 sang-ayon sakalendaryong Huliyano. Sa kasaysayan ngkalinangang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang bahagi ng Mataas naGitnang Panahon at tinatawag minsan bilang angPanahon ng mga Cister. Ang Ginintuang Panahon ng Islam ay patuloy na nakakaranas ng kaunlaran, partikular ang Islamikong Espanya,Selyusida, at mga teritoryongGurida. Karamihan sa mga Krusadong estado kabilang ang Kaharian ngJerusalem ay bumagsak sa dinastiyang Ayyubid na itinatatag niSaladin, na nilampasan ang mgaFatimid. Humarap angdinastiyang Song saTsina ng isang pagsakop ng mgaJurchen, na nagdulot ng isang paghahating pampolitika sa hilaga at timog. Umusbong angImperyong Khmer ngKambodya sasiglo na ito. Pagkasunod ng paglaki ng mgaGhaznavid atImperyong Gurida, ang pananakop ng Muslim sasubkontinenteng Indiyano hanggangBengal ay nagsimula sa huling bahagi ng dantaon.
Nagsimulang umunlad angGitnang Ingles, at nagsimulang kumalat ang literasiya sa labas ng Simbahan sa buongEuropa.[1] Karagdagan dito, dumadami ang mga taong simbahan na pumayag na kumuha ng sekular na pagganap. Sa katapusan ng siglo, hindi bababa sa isang-katlo ng mga obispo ngInglatera ang nagsibli din bilang mga maharlikang hukom para sa mga alalahaning sekular.[2]
Sa dulo ng dantaon, pangunahing umaasa ang parehong Dinastiyang Capet at ang Bahay ni Anjou sa mga mersinaryong militar. Mayroon sa buong taon ang mga sundalong binabayaran, hindi tulad ng mgakabalyero na inaasahan ng ilang panahon ng bakasyon upang mapanatili ang kanilang buhayasyenda.[3]
Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala ayon sa taon
1104: Ang Arsenal ng Benesiya saBenesiya,Italya, ay itinatag. Kumukuha ito ng mga trabahador na bumibilang ng mga 16,000 tao para sa malawakang produksyon ng mga barkong naglalayag sa malaking linyang asembliya, daan-daang taon bago angRebolusyong Industriyal.
1106: Natapos ang pagtatayo ng Monasteryong Gelati.
1107: Pinagsama ng Tsinong inhenyero na si Wu Deren ang mekanikal na behikulongaguhon ng karwaheng tumuturo sa timog at ang sumusukat ng distansya na kagamitangodometer.