Ang pampolitikang hangganan saSilangang Emisperyo noong unang kalahati ng ika-11 sigloAng pampolitikang hangganan saSilangang Emisperyo noong katapusan ng ika-11 siglo
Pagkatapos ng dagliang pag-akyat, mayroon biglaang paghina ng kapangyarihangBisantino at ang pagbangon ng pagdomina ng mga Norman sa karamihan ng Europa, kasama ang prominenteng pagganap saEuropa ng kapuna-punang mga maimpluwensyangpapa. Nagkaroon ang Kristiyanidad ng pormal na sisma o paghahati sa siglo na ito na yumabong noong nakaraang mga siglo sa pagitan ng Romanong Kanluran at Bisantinong Silangan, na nagdulot ng paghiwalay sa dalawang pinakamalaking dominasyon hanggang sa panahon ngayon: angRomano Katolisismo atSilanganing Ortodoksiya. Sa HilagangItalya, nagdulot ang paglago ng populasyon sa pag-angat ng unang organisadongkapitalismo at mas sopistikadong kulturang komersyo noong huling bahagi ng ika-11 dantaon. SaSilangang Europa, nagkaroon ng ginutuang panahon para sa prinsipalidad ng Kievan Rus.
Sadinastiyang Song saTsina at klasikong mundong Islamiko, minarka ng siglong ito ang mataas na punto para sa parehong klasikong Tsinongkabihasnan,agham atteknolohiya, at klasikongIslamikong agham,pilosopiya atpanitikan. Nilikha ng magkakalabang pampolitikang pangkat sa dinastiyang Song ang patatalo sa mga nangungunang estadista at ministro ng imperyo. Naabot ang taluktok ng militar na kalakasan at internasyunal na impluwensiya ng Kalipatong Fatimid saEhipto, angmga Ghaznavid, at angdinastiyang Chola saIndya. Ang Kanluraning Imperyong Chalukya (ang kalaban ng Chola) ay bumangon din sa kapangyarihan sa dulo ng siglo.
Sa siglo na ito, dumating sa kapanyarihan ang mga Turkongdinastiyang Seljuk saKanlurang Asya sa pira-pirasong lupain ngayon naAbbasid, habang anguna sa mgaKrusada ay isinakatuparan tungo sa pagsasara ng siglo.
Sa mga Amerika, yumabong ang mga kabihasnang Toltec at Mixtec saGitnang Amerika, kasama ang Kalinangang Huari ngTimog Amerika at kulturang Mississippiyano ngHilagang Amerika. Nakasentro sa palibot ng Lawa Titicaca ang Imperyong Tiwanaku na bumagsak noong unang kalahati ng siglo.