Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ika-11 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa1018)
Milenyo:ika-2 milenyo
Mgasiglo:
Mgadekada:dekada  1000dekada 1010dekada 1020dekada 1030dekada 1040
dekada 1050dekada 1060dekada 1070dekada 1080dekada 1090
Ang pampolitikang hangganan saSilangang Emisperyo noong unang kalahati ng ika-11 siglo
Ang pampolitikang hangganan saSilangang Emisperyo noong katapusan ng ika-11 siglo

Angika-11 dantaon ay isang panahon mula 1001 hanggang 1100 sang-ayon sakalendaryong Huliyano at ang unangsiglo saikalawang milenyo.[1]

Sakasaysayan ng Europa, tinuturing ang panahon na ito bilang ang unang bahagi ng Mataas naGitnang Panahon.

Pagkatapos ng dagliang pag-akyat, mayroon biglaang paghina ng kapangyarihangBisantino at ang pagbangon ng pagdomina ng mga Norman sa karamihan ng Europa, kasama ang prominenteng pagganap saEuropa ng kapuna-punang mga maimpluwensyangpapa. Nagkaroon ang Kristiyanidad ng pormal na sisma o paghahati sa siglo na ito na yumabong noong nakaraang mga siglo sa pagitan ng Romanong Kanluran at Bisantinong Silangan, na nagdulot ng paghiwalay sa dalawang pinakamalaking dominasyon hanggang sa panahon ngayon: angRomano Katolisismo atSilanganing Ortodoksiya. Sa HilagangItalya, nagdulot ang paglago ng populasyon sa pag-angat ng unang organisadongkapitalismo at mas sopistikadong kulturang komersyo noong huling bahagi ng ika-11 dantaon. SaSilangang Europa, nagkaroon ng ginutuang panahon para sa prinsipalidad ng Kievan Rus.

Sadinastiyang Song saTsina at klasikong mundong Islamiko, minarka ng siglong ito ang mataas na punto para sa parehong klasikong Tsinongkabihasnan,agham atteknolohiya, at klasikongIslamikong agham,pilosopiya atpanitikan. Nilikha ng magkakalabang pampolitikang pangkat sa dinastiyang Song ang patatalo sa mga nangungunang estadista at ministro ng imperyo. Naabot ang taluktok ng militar na kalakasan at internasyunal na impluwensiya ng Kalipatong Fatimid saEhipto, angmga Ghaznavid, at angdinastiyang Chola saIndya. Ang Kanluraning Imperyong Chalukya (ang kalaban ng Chola) ay bumangon din sa kapangyarihan sa dulo ng siglo.

Sa siglo na ito, dumating sa kapanyarihan ang mga Turkongdinastiyang Seljuk saKanlurang Asya sa pira-pirasong lupain ngayon naAbbasid, habang anguna sa mgaKrusada ay isinakatuparan tungo sa pagsasara ng siglo.

SaHapon, namayani angangkang Fujiwara sa mga kapakanang estado.

SaKorea, yumabong ang Kaharian ngGoryeo at hinarap ang panlabas na banta mula sadinastiyang Liao (Manchuria).

InVietnam, nagsimula angdinastiyang Lý, habang saMyanmar, naabot ngKahariang Pagan ang rurok ng kapangyarihang pampolitika at militar.

Sa mga Amerika, yumabong ang mga kabihasnang Toltec at Mixtec saGitnang Amerika, kasama ang Kalinangang Huari ngTimog Amerika at kulturang Mississippiyano ngHilagang Amerika. Nakasentro sa palibot ng Lawa Titicaca ang Imperyong Tiwanaku na bumagsak noong unang kalahati ng siglo.

Mahahalagang tao

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "The New Millennium—Just When Is It Anyway?".Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong2020-10-22.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ika-11_dantaon&oldid=2139074"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp