Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ñ

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Ñ ay nasa kanan ng L sa tekladongEspanyol.
Alpabetong Filipino ngwikang Filipino

(na magagamit at ginagamit din para sawikang Tagalog)

AaBbCcDdEeFf
GgHhIiJjKkLl
MmNnÑñNgngOoPp
QqRrSsTtUuVv
WwXxYyZz

AngÑ oenye ay ang ika-15 na letra o titik sa alpabetongFilipino at alpabetongEspanyol na nasa pagitan ngNn atNg ng sa alpabetng Filipino at nasa pagitan naman ngNn atOo sa alpabetong Espanyol. Kinakatawan nito ang tunog na [ɲ].

Sa Kastila, mayroong pinagkaiba ang bigkas ngñ,ni + (patinig), atny: ang una ay binibigkas bilang [ɲ], ang ikalawa bilang [nj], at ang ikatlo bilang [nʒ] o [nʝ], depende sa bansa.

Sa Filipino, at pati na rin sa mga ibangwika ng Pilipinas tulad ngSebwano atIloko, ginagamit lang angñ sa mgapangngalang nakabaybay sapalabaybayang Espanyol (hal.Santo Niño,ñu o "wildebeest",Palasyo ng Malacañan o Malacañan,Lungsod ng Parañaque o Parañaque, at mang-aawit na si Bamboo Mañalac). Hindi ito ginagamit sa pagsulat ng mga karaniwang salita, at isinasaling-sulat bilangny angñ sa mga salitang hiram o hangò sa Espanyol.

Sa sinaunang pamamaraán ng panunulat, ginagamit ang titik na ito saliw ng "g" upang ipakita ang tunog na [ŋ], na sa kasalukuyan ay sinusulat bilangng, na siyang ginagamit lamang sa dulo ng mga salita. Noong una, ang tilde o guhit na sa itaas ay pumapang-ibabaw sa n at g ("n͠g"), gaya sa salitang "pan͠galan", sapagkat ang payak na "ng" ay bibigkasing [ŋɡ] ("ngg"). Naging karaniwang uri ngn͠g ang "ñg" hanggang sa unang bahagî ng ika-20 dantaon sapagkat hindi kayang ipangibabaw ng mgatipaan ng makinilya ang tilde sa parehong mga titik..

UsbongAng lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ñ&oldid=2142540"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp