SiJigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha:འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie:jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug; ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ngKaharian ng Bhutan at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck). Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka atpuno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ngmonarkiya ng Bhutan. Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck. Pagkatapos tapusin ang kanyang pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan sa Bhutan, nag-aral si Khesar sa ibang bansa sa Akademiyang Phillips (Andover), Akademiyang Cushing at Dalubhasaang Wheaton saMassachusetts,Mga Nagkakaisang Estado, bago magtapos sa Dalubhasaang Magdalen, Pamantasan ng Oxford,Mga Nagkakaisang Kaharian, kung saan nakumpleto niya ang Programang Ugnayang Panlabas at MPhil sa Politika. Nakapaglakbay siya sa mga iba't ibang bansa, opisyal na kumakatawan ng Bhutan sa mga iba't ibang kaganapan at may aktibong gampanin sa mga pangkultura, pang-edukasyon at pang-ekonomiyang organisasyon.
SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan:NASA
Walang pang nakatala para sa araw na ito.Magdagdag?
AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na: | |
48,405 artikulo | 148 aktibong tagapag-ambag |
Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.