SiChiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝,Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 1986) ay isang diplomatikongHapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para saImperyong Hapones saLitwanya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwanya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ngUnyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mgaHudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mgabisa (sa pasaporte) na pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapón. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling saPolonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mgaNazi, pinarangalan si Sugihara ngIsrael bílang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (oRighteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong sa Yaotsu, isang rural na pook saPrepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa bansang Hapón, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina.Ikalawa siya sa limang magkakapatid na laláki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-dyunyor at seniyor. Gusto ng tatay ni Sugiharang sundin nito ang mga yapak niya bílang isang manggagámot, ngunit sinadyang ibagsak ni Sugihara ang sarili mula sa pagsusulit para makapasok sa paaralang pangmedisina sa pamamagitan ng pagsulat lamang ng kaniyang pangalan sa mga papel ng pagsusulit. Sa halip, nagpatala siya sa Pamantasang Waseda noong 1918 at nagkaroon ng degri sapanitikang Ingles. Noong 1919, pumasa siya sa pagsusulit ng pang-iskolar ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas. Kinuha siya ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Hapon at itinalaga siya saHarbin,Tsina, kung saan nag-aral din siya ng mgawikangRuso atAleman, at naging isang dalubhasa sa pakikipag-ugnayang pang-Ruso sa kalaunan.
SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan:NASA
AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na: | |
48,447 artikulo | 143 aktibong tagapag-ambag |
Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.