AngOne Direction (kadalasang dinadaglat bilang1D) ay isangpop na bandangIngles-Irlandes na puro lalaki na nakabase saLondres, at binubuo nina Niall Horan, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Kasapi si Zayn Malik sa banda mula nang ito'y mabuo noong 2010 hanggang sa kanyang pag-alis noong Marso 25, 2015. Nakapirma sila sa tatak panrekord niSimon Cowell naSyco Records matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng programang pantelebisyon saBritanya, angThe X Factor. Bunsod ngsocial media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, angUp All Night (2011),Take Me Home (2012),Midnight Memories (2013) atFour (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, na nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Ang kanilang ikalimang album, angMade in the A.M., ay inilabas noong Nobyembre 2015. Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards), apat na MTV Gantimpala sa Musikang-Bidyo (MTV Video Music Awards), 11 MTV Gantimpala sa Musika sa Europa (MTV Europe Music Awards), 19 na Gantimpala sa Pinili ng Kabataan (Teen Choice Awards), at marami pang iba. Ayon kay Nick Gatfield, tagapangulo at punong ehekutibo ngSony Music Entertainment UK, kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" ng 2012 ngBillboard. Ayon saSunday Times Rich List, nitong Abril 2013, ang banda ay tinatayang may kabuuang pinagsama-samang personal na yaman na £25 milyon ($41.2 milyon), dahilan upang sila'y maging pangalawang pinakamayayamang musikero saNagkakaisang Kaharian na nasa edad na mas mababa sa 30. Noong 2014, itinala sila ngForbes bilang ikalawang may pinakamalaking kinitang artista na nasa gulang na mababa sa 30, na nakapagtala ng kitang tinatayang nasa $75 milyon mula Hunyo 2013 hanggang Hunyo 2014. Noong Hunyo 2015, itinala ngForbes ang kanilang kita na nasa $130 milyon sa loob ng nakalipas na 12 buwan, at inihanay sila bilang ikaapat na artistang may pinakamalaking kita sa buong mundo.
SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan:NASA
AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na: | |
48,346 artikulo | 136 aktibong tagapag-ambag |
Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.