Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Punong-himpilan ng NAPOCOR sa Lungsod Quezon.
Punong-himpilan ng NAPOCOR sa Lungsod Quezon.

AngPambansang Korporasyon sa Elektrisidad (NAPOCOR oNPC;Ingles:National Power Corporation) ay isangkorporasyong pag-aari ng pamahalaan na naglilingkod bilang pinakamalaking tagapagbigay at tagapaglikha ngelektrisidad saPilipinas. Ito rin ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para saMERALCO, ang natatanging tagapamahagi ng kuryente saKalakhang Maynila at mga karatig na mgalalawigan. Nagsilbi din ang NPC bilang tagapamahala at may-ari nggrid ng kuryente sa Pilipinas at mga kaugnay nitong pasilidad at ari-arian mula sa paglikha nito noong Nobyembre 3, 1936 (sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 120 na ipinasa ni PangulongManuel L. Quezon) hanggang sa paglipat ng operasyon, pagpapanatili, at pagmamay-ari nggrid sa ibang korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno, ang Pambansang Korporasyon sa Transmisyon (National Transmission Corporation o TransCo), noong Marso 1, 2003. Dating pinakamalaking korporasyon sa bansa ang NAPOCOR sa larangan ng kita. Suliranin sa pagkakaroon ng kita ang pangunahing alalahanin nito dahil ang negosyo nito ay misyonaryong elektripikasyon na nagbibigay ng kuryente sa liblib, at malayo sagrid na lugar atpulo na nakasubsidiya. Bilang isang korporasyong pagmamay-ari at kontrolado ng pamahalaan, napapailalim ang NAPOCOR sa pagsisiyasat ng Komisyon ng Awdit (Commission on Audit o COA) at Komisyon sa Pamamahala para sa Mga Korporasyong Pag-aari at Kinokontrol ng Pamahalaan (Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations o GCG). Pinapamahalaan din nito ang mga malalaking dike at 11watershed (o lugar na pinanggagalingan ng tubig) sa bansa at patuloy na pinapangasiwa ang pagsasapribado ng mga natitirang hindi pa naaayos na ari-arian ng gobyerno. Mula noong Disyembre 2015, mayroon ang NPC ng kabuuang 1,735 Megawatt ng nililikhang kapasidad, na kinabibilangan ng 345 MW ng maliliit na mga henerador (ogenerator) sa maliliit na mga pulo at malayo sagrid na mga lokasyon, at 1,390 MW sa hidroelektrikong mga planta ng kuryente at mga malayang plantang na naglilikha ng kuryente sa pangunahing mgagrid.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan:NASA

Sa araw na ito (Marso 18)

Patungkol

AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na:
48,352
artikulo
136
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

Pinapaandar ang Wikipedia ngPundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pangmga proyekto:


   Mga Wikipedia sa iba pang mga wika   
Nakasulat ang Wikipedia na ito saTagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.



Maramingiba pang Wikipedia; nakatala sa ibaba ang ilan sa mga malalaking Wikipedia.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Unang_Pahina&oldid=2026180"
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp