Napetsahan ang pinakamaagang aktibidad nghominin sakapuluangPilipinas ng hindi bababa sa 709,000 taon na nakalipas. Nasa pulo ngLuzon angHomo luzonensis, isangespesye ng sinaunang mga tao, noong mga hindi bababa sa 67,000 taon na nakalipas. Nagmula saYungib ng Tabon saPalawan ang pinakamaagang kilalang makabagonganatomikong tao na nabuhay ng mga 47,000 taon nakalipas. Ang mgaNegrito ang unang pangkat na unang nanirahan sa Pilipinas bago ang naitalangkasaysayan nito. Noong mga 3000 BC, naglayag ang mgaAustronesyo, na siyang mayorya ng kasalukuyangpopulasyon, mula saTaiwan patimog hanggang narating ang mga pulo na tinatawag ngayong Pilipinas. Ang pinakamaagang naitalangkasaysayan ng Pilipinas ay matatagpuan saInskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na mayroong petsang 822 Shaka (900AD sakalendaryong Gregoryano). Nilalahad sa inskripsyon ang pagpatawad sapakakautang ng isang tao na nagngangalang Namwaran, kasama ang kanyang mga anak na si Dayang Angkatan at Bukah. Ang unang tala na pagbisita na mula saKanluran ay ang pagdating niFerdinand Magellan sa pulo ngHomonhon, sa timog-silangan ngSamar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan saCebu kasabay ng ekspedisyon niMiguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista angLook ng Maynila sa pulo ngLuzon. Nagtatag ng isang lungsod saMaynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlongsiglo. Nagsimula ang rebolusyon laban saEspanya noongAbril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ngUnang Republika ng Pilipinas. Ngunit angKasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas saEstados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noongDisyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Iginawad ang bahagyang pagsasarili noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula saKomonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ngHapon sa Pilipinas noong panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang mga Hapones noong 1945 at naganap ang muling-pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya naibigay lamang ang ganap na kalayaan sa Pilipinas noongHulyo 1946.
SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan:NASA
AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na: | |
48,390 artikulo | 148 aktibong tagapag-ambag |
Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.