Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Maligayang pagdating sa Wikipedia!

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Si Mau Marcelo na umaawit sa Philippine Idol.
Si Mau Marcelo na umaawit saPhilippine Idol.

SiMaureen "Mau" Flores Marcelo (ipinanganak noongMayo 13,1980) ay isang mang-aawit naPilipina na nakilala nang nagwagi saPhilippine Idol, na prankisa ng mga seryeng idol ngFremantleMedia at ipinalabas saPilipinas saestasyong pantelebisyon naABC. Tinagurian siyang "Soul Idol" at ang "black belter" (mambibirit) ng kompetisyon dahil sa kanyang estilongR&B sa pagkanta. Tinawag din siyang "The Diamond Diva" (Ang Diamanteng Babaeng Mang-aawit) matapos ng kanyang pagtanghal ng "Diamonds Are Forever" niShirley Bassey noong Linggo ng mga TemangPampelikula atPangmusikal na lubusang pinalakpakan ng mga manonood. Naging kilala rin siya sa bansag naSamantha Brown, hango sa apelyido ng kanyang ama. Siya rin ang naging kinatawan ngPilipinas saAsian Idol, na ginanap sa kalagitnaan ngDisyembre 2007 sa Lungsod ngJakarta saIndonesia. Isang mamamayangAmerikano mulaPuerto Rico ang kanyang ama, na may dugongAprikano atKastila habangPilipina ang kanyang ina. Bago angPhilippine Idol, nakapagrekord si Marcelo (sa ilalim ng bansag na "Samantha Brown") ng isang album na naglalaman ng sampung orihinal na mga awit na nilikha ng kanyang bayaw.

Alam ba ninyo ...

Sa araw na ito (Pebrero14)

Pebrero 14

Strasbourg
Strasbourg
  • 1349 — Mahigit sa 2000mga Hudyo angsinunog hanggang kamatayan ng mga masa opinaalis nang sapilitan sa lungsod ngStrasbourg.

Mga huling araw:Pebrero 13Pebrero 12Pebrero 11

Napiling larawan

SiSally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanongastronauta atpisiko. Ipinanganak saLos Angeles, sumali siya saNASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sakalawakan, pagkatapos ng mgakosmonauta na sinaValentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan:NASA

Patungkol

AngWikipedia ay isang proyektongonline na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyongwiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mganilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman.Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mganaitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ngCreative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon angWikipediang Tagalog na:
48,754
artikulo
277
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ngonline na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ngPundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa,pagpapatunay ng nilalaman,notabilidad, atpagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sapaglikha ng artikulo,pagbago ng artikulo opagpasok ng litrato. Huwag mag-atubilingmagtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mgaproyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mgapahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrongportal o puntahan ng pamayanan, angKapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog.Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Agad na pinapalitan ngMalacañang ang Heneral na Pulis na siNicolas Torre III bilang hepe ngPambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), ayon sa dokumentong nilagdaan niKalihim TagapagpaganapLucas Bersamin.
  • Satenis, naging unang manlalarong Pilipino siAlexandra Eala (nakalarawan) na nakapanalo sa isangmain draw match (laban sa pangunahing paligsahan) sa isangGrand Slam (Pambihirang Tropeo) saOpen Era (Panahong Bukas) matapos talunin ang taga-Dinamarka na si Clara Tauson sa unang rawmd ng 2025US Open – torneong singles ng mga Kababaihan.
  • Nagpahayag si MayorVico Sotto ngPasig sa isang paskil saFacebook ng pagdududa sa mga midyang nagbibigay ng plataporma sa mag-asawang Discaya, na inaakusahan ng pakikinabang sa mgapumalyang proyekto sa kontrol ngbaha, sa pamamagitan ng pagbabahagi ngscreenshot ng kanilang panayam kinaKorina Sanchez atJulius Babao. Bilang tugon, ipinagtanggol ng mga beteranong mamamahayag ang kanilang ulat at iginiit na isinagawa ang mga panayam para sa interes ng publiko at hindi bilang bayad na promosyon.
Pinapaandar ang Wikipedia ngPundasyong Wikimedia, isang organisasyong 'di-kumikinabang na pinapatakbo din ang iba pangmga proyekto:


   Mga Wikipedia sa iba pang mga wika   
Nakasulat ang Wikipedia na ito saTagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.



Maramingiba pang Wikipedia; nakatala sa ibaba ang ilan sa mga malalaking Wikipedia.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Unang_Pahina&oldid=2165449"
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp