M, m
1:ikalabintatlong titik sa alpabetong Filipino at tinatawag naem CfÉME,MA2 2:png ikasampung titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na ma2
3:ikalabintatlo sa isang serye o pangkat
4:pasulat o palimbag na representasyon ng M o m
5:tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik M o m.
ma-
pnl
1:pambuo ng pandiwa, kadalasang nagtutuon sa nagpapakíta ng abilidad o kakayahang gawin nang kusa o sinasadya alinsunod sa kahulugan ng salitâng-ugat, hal makúha, madalá, mabása
2:pambuo sa pandiwang palayón, nagsasaad ng pag-iral hal mabúhay, mamatay, maaarì CfNA-1 3:pambuo ng pandiwang palayón at nagsasaad ng aksiyong nagaganap sa tauhan, hal mahulog, malaglag, masirà CfNA-2 4:pambuo ng pandiwa at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang pantig, karaniwang nangangahulugan ng maaari o hindi maaari, hal mahuhulog, makakáya, masisirà CfNA-3 5:pambuo ng pandiwa, ginagamit sa salitâng-ugat at dinudugtungan ng hulaping -an, nangangahulugang magagawâ ang isang bagay, hal matamaan, masulatan, mabigyan
6:pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng dami o kalidad, hal maganda, matipíd, mataás
7:pambuo ng pang-uri o pang-abay alinsunod sa gamit bílang ekspresyon sa salitâng-ugat na nagpapakíta ng antas o asal, hal mayábang, malambing, malupít
8:pambuo ng maramihang pang-uri o pang-abay kapag ikinabit sa salitâng-ugat at inuulit ang unang pantig nitó, hal maaaláhas, makúkuwarta, mayáyaman.
ma·a·nó
pnd |[ ma+ano ]
1:repleksibo na nangangahulugang magkaroon o maganap ang anuman, hal máanó, naanó
2:pantulong na pandiwa at kadalasang may ng na nagsasaad ng isang kahilingan, hal “Maanong yumaman ka na!” CfHÁRIMANAWARÌ,NAWÂ 3:ginagamit sa mga idyomatikong ekspresyon ng pagwawalang-bahala na kadalasang sinusundan ng kung, hal “Maanó kung mayaman sila!”
4:sa mga probinsiya ng Quezon, Marinduque, Mindoro at ibang pook sa Batangas, karaniwang ipinampapalit sa Kumustá, hal “Maano ka na?”
Mabini, Apolinario (ma·bí·ni a·po·li· nár·yo)
png |Kas
:(1864–1903) tinaguriang Utak ng Himagsikang Filipino at nagsilbi bílang pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
Maccabee (má·ka·bí)
png |Kas |[ Ing Heb Lat ]
1:kasapi o tagapagtaguyod ng pamilyangng mga Jewish na naghimagsik laban sa haring Seleucid noong 167 BC sa pangunguna ni Hudas Maccabeo ng Hudea
2:apat na aklat ng kasaysayan at teolohiya ng mga Jewish.
machiavellian (mák·ya·bél·yan)
pnr |Pol |[ Ing Ita Nicollo Machiavelli+an ]
:bansag sa kilos pampolitika na hindi nagsasaalang-alang sa kinagisnang moralidad.